in

Herlene Budol, Proud Na Ipinakita Ang House And Lot Na Katas Ng Kaniyang Paghihirap

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nagmula sa isang payak na pamilya kaya naman sa murang edad pa lang ay matayog na ang pangarap sa buhay ni Herlene Budol. Sa katunayan, noon pa man ay isa na siya sa breadwinner ng pamilya at hindi nag-aatubiling subukan ang lahat ng bagay na makakaya niya para lang makatulong sa pangangailangan ng kaniyang mga mahal sa buhay.

Isa ngang malaking responsibilidad ang tinanggap ni Herlene at sa kabila ng kaniyang mga pagkatalo sa buhay ay hindi siya sumusuko dahil alam niya na maraming tao ang umaasa sa kaniya. Dahil nga sa ganitong pananaw ay mas lalo pa siyang naging masipag sa mga trabaho na natatanggap kaya naman naging malapit din sa kaniya ang swerte.

Simula nang madiskubre sa programa ni Kuya Wil ay sunod-sunod na rin ang mga projects na ginawa ni Herlene hanggang sa kamakailan lang ay pinasok na rin niya ang mundo ng beauty pageant. Dito siya mas nakilala at lalo pang hinangaan ng kaniyang mga fans.

Mangiyak-ngiyak si Herlene dahil sa mga ginawa niyang training ngunit lahat naman ito ay nagbunga ng maganda dahil hindi lang salapi ang kaniyang natanggap kundi nagkamit din siya ng house and lot!

Sa tulong nga ng kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino ay naisakatuparan niya ang matagal ng pangarap na sariling bahay para sa kaniyang pamilya. Naging emosyunal si Herlene sa ginawa nilang house tour vlog kasama ang kaniyang Tatay dahil hindi niya lubos akalain na dadating ang ganitong pagkakataon sa kaniyang buhay.

“Kahit hindi ako kumain nang isang buong taon, hindi ko kaya ibigay sa inyo ito. Si Sir Wilbert lang talaga lahat.”, lubos lubos na pagpapasalamat niya sa kaniyang talent manager.

Sa ngayon nga ay komportable na ang pagtulog ng buong pamilya ni Herlene hindi kagaya noon sa dati nilang bahay na mainit at tumutulo ang bubong sa tuwing umuulan.

Talaga namang libre lang mangarap at lahat ng ito ay posibleng mangyari sa atin kung sasamahan natin ng dasal at sipag sa pagtatrabaho kagaya nalang ng ginawa ni Herlene Budol.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Megastar Sharon Cuneta, Pinuri Ng Mga Netizens Dahil Sa Kaniyang Slim Figure!

Ina Raymundo, Laking Pasasalamat Sa Taxi Driver Na Nagsauli Ng Cellphone Ng Kaniyang Anak