Sa panahon ngayon, marami sa mga kabataan ang maagang namumulat sa realidad ng buhay na hindi ganoon kadaling kumita ng pera kaya marapat lang na ito ay pahalagahan at magamit sa tamang paraan. Dahil nga dito, marami sa mga bata ngayon ang natututo ng maghanap ng mapagkakakitaan sa murang edad pa lamang.

Ang ilan sa kanila ay tumutulong sa negosyo ng kanilang mga magulang samantalang ang ilan naman ay naisipang gumawa ng sariling pangalan online at napapabilang sa mga tinatawag ngayon na “social media influencer”. Ito nga ay nagsisilbing daan para kumita sila ng pera at maisakatuparan ang kanilang mga pangarap sa buhay katulad nalang ng 15-taong gulang na estudyante.
Sa isang panayam ng Unang Hirit kay Love Marie, noon pa man ay nahihilig na siya sa mga animated character at simula nga magkaroon ng pand3miya, mas napagtuunan niya ng pansin ang kaniyang hobby. Gamit ang isang app, gumagawa siya ng mga cute at nakaka-aliw na animated characters at ina-upload ito sa kaniyang Youtube. Nagulat nalang ang dalaga dahil biglang nag-viral ang kaniyang mga post at naging patok ito sa mga viewers.

“Nagsimula po akong mag-video o gumawa ng Youtube channel dahil sa parents ko. Nagsimula po ako nung pand3mic at nalaman na pwede pala kumita around 2020 po.”, sagot naman ng dalaga sa mga tanong sa kaniya.
Gumawa nga si Marie ng sarili niyang Youtube channel at tinawag niya itong “Squishy Crafty Slime” na ngayon ay umaabot na sa 182k ang mga subscribers. Dahil nga sa dami ng mga viewers online, libu-libo ang kinikita ni Marie at nakakatulong na siya ngayon sa mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Samantala, proud na pround naman ang mga parents niya dahil sa murang edad pa lang ay napakalaki na ang naging achievement ng kanilang anak. Bukod kasi sa financial help ay nakapagpatayo na rin ito ng bahay na nagkakahalaga ng aabot sa 1.2 milyon pesos!

Hindi nga biro ang naging success ng dalaga at kung magbabalik tanaw tayo sa nakaraan, marahil ay naka-focus lang tayo sa paggawa ng ating mga assignment at paglalaro kasama ang ating mga kaibigan noong tayo ay 15-taong gulang pa lang.
Comments
Loading…