in

Goin’ Bulilit Alumni Na Si CJ Navato, Graduate Na Ng Kolehiyo!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa tuwing sasapit ang linggo, tiyak na nakatutok na sa telebisyon ang publiko para manood ng nakakatawa at nakakaliw na Kiddie show ng Kapamilya network na “Goin’ Bulilit”. Nagumpisa ito noong 2005 at bida dito ang mga bata na super cute at talaga namang hindi matatawaran ang galing sa pag-arte. Maliban dito, mayroon din silang iba’t ibang talento tulad ng pagkanta at pagsayaw na talaga namang ikinatutuwa ng mga manonood.

Isa si CJ Navato sa mga bibong bata na bumida sa Goin Bulilit at sa edad na 7 years old ay nakita siya ng publiko sa telebisyon nang mapasali sa ABS-CBN’s talent search Star Circle Quest: Kids Edition noong taong 2004. Matapos nito ay nadiskubre ang kaniyang angking talento at nagtuloy-tuloy na ang pagangat ng showbiz career.

Samantala, sa kabila ng kaniyang busy schedules ay hindi naman napabayaan ni CJ ang kaniyang pag-aaral at sa katunayan ay matagumpay siyang nakapagtapos ng kolehiyo nito lang buwan ng Nobyembre!

Nag-aral siya sa De La Salle-College of Saint Benilde kumuha ng kursong may kinalaman sa Culinary Arts. Noon pa man ay madalas ng ibahagi ng aktor sa kaniyang mga interviews na mahilig talaga siyang magluto.

“I really want to be a chef. Naging mahilig din ako kasi nanunuod ako ng mga MasterChef, yung mga ganung cooking shows.”kwento noon ng aktor.

At para nga i-level up ang kaniyang hobby na pwede niya ring gawing negosyo ay nagdesisyon itong kumuha ng pormal na pag-aaral sa culinary arts.

“It’s official. Ya boi made it! Thank you to my family for being with me every step of the way.”, caption nito sa kaniyang social media photo kung saan suot-suot niya ang kulay itim na toga.

Dahil dito ay sunod-sunod na pagbati ang natanggap ni CJ mula sa mga netizens at syempre sa kaniyang pamilya pati na rin sa mga dati niyang kasama sa entertainment industry.

Tunay ngang sa buhay, mahalaga na alam natin kung ano talaga ang gusto nating gawin sa oras at lakas na ipinapahiram sa atin upang mapakinabangan natin ito ng husto at hindi lang masayang.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Dream Come True” Alex Gonzaga, Naging SM Saleslady For A Day!

Herlene Budol, Emosyunal Nang Makita Ang Kaniyang 3D LED Billboard Sa EDSA!