in

“Dream Come True” Alex Gonzaga, Naging SM Saleslady For A Day!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Lahat tayo ay mayroong kani-kaniyang pangarap noong bata pa lang tayo at ang iba nga ay gustong maging doktor, engineer, guro at kung anu-ano pa base na rin sa madalas nating makita sa ating kapaligiran. Ngunit kakaiba ang gustong maranasan ng aktres at komedyante na si Alex Gonzaga dahil noon pa man ay gusto na niyang magtrabaho bilang isang saleslady sa mall!

Ayon sa aktres, madalas silang mamasyal noon sa mall kasama si Mommy Pinty na mahilig mag-shopping. At dahil nga bata, curios siya sa ginagawa ng mga tao sa mall tulad ng security guards, saleslady at iba pang nagtatrabaho doon. Sa lahat ng ito ay tuwang-tuwa siya kapag nakakakita ng saleslady dahil nakapostura ang mga ito, maayos ang buhok, naka-make up at madalas nakangiti para batiin ang mga customer.

“Alam nyo, noong bata pa ako, pangarap ko talaga maging saleslady. Hindi ako nagbibiro kasi syempre, ‘nung bata kami, hilig niyang pumunta sa department store. Nakikita ko nakapostura yung mga salesladay so yun talaga ang naging pangarap ko.”, paunang kwento ng aktres sa kaniyang vlog.

Kaya naman, para maisakatuparan ang kaniyang childhood dream, agad na kinausap ni Alex ang SM Makati at pumayag naman sila sa request nito na maging salesday for a day!

Suot ang kaniyang uniporme ay agad na sumabak sa trabaho ang aktres at magiliw na binati ang lahat ng nakikita niyang namimili sa mall. Hindi rin siya nag-atubiling magpapicture sa kanila at tuwang-tuwa pa itong nakipag-usap sa mga customer pati na rin sa mga kasama niyang saleslady.

Samantala, nakipagsabayan naman si Alex sa pagtakbo papuntang stock room ng mga sapatos upang mahanap ang size at kulay na gusto ng kanilang customer.

Tumulong din siya sa pagbebenta ng mga pantalon at talaga namang naipamalas ang galing niya sa marketing at pag-salestalk na bentang-benta sa mga tao. Ngunit sa lahat ng section sa mall, mas naaliw ito sa jewelry section dahil naaalala niya na dito sila madalas dalhin ng kanilang Mommy Pinty.

Marami nga ang aliw-aliw sa ginawang vlog ni Alex at talaga namang ipinakita niya ang dedikasyon sa trabaho at tinapos ang shift sa buong araw. Samantala, aminado siya na hindi biro ang trabaho ng mga saleslady at saludo siya sa mga ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dingdong Dantes Ipinasilip Ang Kanilang Bagong Bahay Na Halos 2 Dekadang Pinagsikapan

Goin’ Bulilit Alumni Na Si CJ Navato, Graduate Na Ng Kolehiyo!