in

Dingdong Dantes Ipinasilip Ang Kanilang Bagong Bahay Na Halos 2 Dekadang Pinagsikapan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Muling napa-wow ang mga netizens sa bagong social media updates ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Sa wakas kasi ay ipinasilip ng dalawa ang ilang parte ng kanilang bagong bahay na talaga namang kamangha-mangha ang laki at disenyo.

Ayon sa aktor, ilang taon rin ang kanilang ginugol sa pagpaplano at paggawa ng kanilang dream house at magkatuwang sila ni Marian upang maisakatuparan ang gusto nilang bahay.

“We work hard to build it—founded on all the learnings and sacrifices for us to achieve it.”, pahayag ng aktor sa kaniyang Instagram post.

Sa loob ng halos dalawang dekada ay nagsumikap ang dalawa sa kanilang trabaho at parehong nangarap na balang-araw ay makakapagpagawa sila ng sarili nilang bahay. Kaya naman ganoon nalang ang saya nina Dingdong at Marian dahil sa wakas ay nakalipat na sila sa kanilang dream house kasama ang dalawang anak na sina Zia at Ziggy.

Unang ipinakita ng aktor ang exterior ng bahay at dito ay makikita ang isang malawak na outdoor swimming pool. Tila ba relax na relax si Dingdong sa pool habang pinagmamasdan si Marian na abala naman sa pakikipaglaro sa alaga nilang aso. Isa nga ito sa mga paboritong lugar ng kanilang pamilya at madalas silang mag-bonding kasama ang mga anak na mahilig ding mag-swimming.

Hindi rin nagpahuli si Marian sa kaniyang house update sa social media at ipinasilip nito ang kwarto ng panganay nilang anak na si Zia. Kulay pink at purple ang tema nito samantalang ang kama naman ay kulay puti. Mapapansin din na tuwang-tuwa ang bata sa kaniyang sariling kwarto at magiliw itong nakangiti sa harapan ng camera habang katabi pa ang kaniyang manika.

Samantala, nagpasalamat naman si Dingdong sa kaniyang kapatid na si Angelo isang engineer dahil ito ang tumulong sa kanila para masimulan at matapos ang kanilang dream house.

“And the first beer…is with our Engineer!” Dingdong said, saying he’s “been with the project from day zero till today.”, caption nito sa larawan nilang dalawa ni Angelo.

Talaga namang napakaganda ng pagsasamahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Hindi lang sila bida sa kani-kanilang career kundi patuloy silang nagiging huwaran at inspirasyon sa kanilang mga fans.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating Boxing World Champion Donnie Nietes Naging Delivery Service Rider

“Dream Come True” Alex Gonzaga, Naging SM Saleslady For A Day!