in ,

LOLLOL OMGOMG

Dating Boxing World Champion Donnie Nietes Naging Delivery Service Rider

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang malaking karangalan ang nakamit ni Donnie Nietes simula nang hirangin siya bilang isa sa mga boxing world champion na nagwagayway ng ating bandila sa ibang bansa.

Ngunit bago pa man makamit ang tagumpay, hindi rin mabilang ang sakit at pagod na naranasan niya sa mga trainings at minsan ay nagiging dahilan ito para siya ay sumuko. Ngunit dahil pursigido ito sa pag-abot sa kaniyang pangarap ay mas lalo pa siyang naging masipag at napuno ng inspirasyon.

Hindi nga maikakaila ang taglay na talento ni Donnie pagdating sa sports na boxing at dahil dito ay unti-unti niyang nakamit ang tagumpay at pangarap na magandang buhay para sa kaniyang buong pamilya.

Marami na rin siyang naipanalong laban sa loob at labas ng ating bansa at sa lahat ng ito ay patuloy siyang sinusuportahan ng ating mga kababayan. Kaya naman ganoon nalang ang pasasalamat niya sa mga Pilipino na walang-sawang naniniwala sa kaniyang kakayanan.

Madalas ngang subaybayan ng mga netizens ang mga social media update ni Donnie kaya naman laking gulat nila nang makita ang isa sa kaniyang mga post kung saan nakasuot siya ng uniporme ng isang delivery rider.

“Food panda delivery”, caption nito sa kanyang larawan na tila ba nagpapahinga matapos ang mahabang byahe.

Ang simpleng larawan ay inulan ng napakaraming reaksyon at komento mula sa mga netizens at karamihan sa kanila ay hindi halos makapaniwala na ngayon ay isa ng rider ang dating boxer na iniidolo nila.

“Sir pa order po ng 2pcs upper cut, 1 large right hook, 1 regular straight job”, pabirong komento ng isang netizens.

Samantala, ibinahagi din ng dating boxing champ ang hirap na naranasan niya bilang delivery rider at sa katunayan ay nalubog pa ang gulong ng kaniyang motor sa maputik na daanan. Hindi tuloy maiwasan ng ilan na maawa kay Donnie at napaisip kung ito na ba talaga ang hanapbuhay niya matapos maging isang matagumpay na boxer.

Ngunit lahat ng ito ay binigyan niya ng linaw sa isang panayam sa PTV4 at sinabing “for fun” lang ang ibinihagi niyang larawan sa social media at ang uniporme ng Food Panda delivery ay nabili lang din niya online.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Beach Photo Ni Kuya Kim Atienza Pinagkaguluhan Ng Mga Netizens!

Dingdong Dantes Ipinasilip Ang Kanilang Bagong Bahay Na Halos 2 Dekadang Pinagsikapan