in

Beach Photo Ni Kuya Kim Atienza Pinagkaguluhan Ng Mga Netizens!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maliban sa pagiging adventurous at pagkahilig sa mga hayop, isa sa madalas na mapansin ng marami ay ang pagiging health conscious ni Alejandro Ilagan Atienza o mas kilala natin bilang si “Kuya Kim”.

Hindi nga nawawala sa kaniyang daily routine ang pagi-ehersisyo pati na rin ang tamang pagpili ng pagkain at mga bitamina. Naniniwala kasi ang host sa kasabihang “health is wealth” at noon pa man ay maingat na talaga siya sa kaniyang kalusugan.

Sa katunayan, noong binata pa lang ay talaga namang napakaganda ng kaniyang pangangatawan at marami nga ang nagulat sa kaniyang ibinahaging throwback photo kung saan kasama niya ang kaniyang buong pamilya na nagbabakasyon noon sa isla ng Boracay.

“#throwbackthursday Boracay 1990. May dad was 52 here. I am 56 now. Dang how time flies! Mas matanda na ako sa tatay ko.” caption ni Kuya Kim sa kanilang family picture.

Taong 1990 pa ang nasabing larawan at nandoon din ang ama niya na si Lito Atienza. Suot ni Kuya Kim ang isang trunk kaya naman kitang-kita ang hubog ng kaniyang mga muscles at well-toned abs na mukhang ilang taon niyang pinaghirapan sa gym.

Halos hindi nga makapaniwala ang mga netizens na ganito pala ang katawan noon ng ngayo’y 56-taong gulang na host at lahat sila ay napahanga dahil sa kaniyang disiplina sa sarili.

“Sayo pinaglihi si Gong Yoo Kuya Kim.”, nakakatuwang komento ng isang netizen.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi tumigil si Kuya Kim sa pagi-ehersisyo at kahit may edad na ay regular pa rin siyang nagpupunta sa gym. Sa katunayan, napapanatili niyang maganda ang hubog ng kaniyang katawan lalong-lalo na ang abs na kaniya pang ipinakita sa publiko sa isang segment ng Mars Pa More kung saan isa siya sa mga host.

Talaga namang inspirasyon si Kuya Kim sa ating lahat dahil napapanatili niyang active ang kaniyang healthy lifestyle at maliban nga sa triathlon ay nagwe-weightlift din ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Komedyanteng Si Jose Manalo, Mayroon Palang Anak Na Doktora!

Dating Boxing World Champion Donnie Nietes Naging Delivery Service Rider