in

“Pumayat Na Ako Kahihintay” Isang Lalaki, Nagpahayag Ng Nakakagoodvibes Na Hugot Sa Kaniyang Natanggap Na National ID

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mahalaga ang pagkakaroon ng isang valid ID dahil hindi lang ito isang paraan ng ating pagkakakilanlan kundi malaking tulong din para maproseso ang ating mga papeles o di kaya naman ay makapag-apply ng trabaho. Kaya naman halos lahat sa atin ay talaga namang gumagawa ng paraan at handang magbayad para lang magkaroon ng isang valid ID.

Ngunit anong gagawin mo kung ang valid ID na kinuha mo ay libre pero aabot pala ng halos isang taon bago maproseso?

Sabi nga nila, “patience is a virtue” at ganito ang ginawa ng karamihan sa ating mga kababayan tulad nalang ni Joemar Torres, ang viral netizen na mula sa Valenzuela City. Mahigit isang taon rin siyang naghintay para matanggap ang kaniyang National ID at sa social media post ay makikitang malaki ang naging pagkakaiba sa kaniyang mukha.

Ayon kay Joemar, July 1, 2021 siya pumila at nag-apply para sa National ID at natanggap niya ang actual ID nito lang November 14,2022. Dahil nga sa haba ng panahon ay malaki na ang naging pagbabago sa panlabas na anyo ng binata at halos hindi na kamukha ni Joemar ang lalaking nasa ID picture.

“Dear PSA, pumayat na’ko kahihintay (laughing emoji)”, caption niya sa larawan habang hawak-hawak ang kaniyang ID.

Mataba pa siya noon at maikli ang buhok ngunit dahil marami siyang pinagkakaabalahan ay mabilis siyang nakapagbawas ng timbang.

“In a span of more than a year, marami narin pong nangyari. While working, I took the board exam. Also after po ‘nung pumasa ako, nag-take po uli ako ng ibang exam. While nagre-review po ako, nag-try po ako mag-diet din. For three months, no rice and exercise na rin.”, pahayag nito sa isang media interview.

Marami ang naka-relate sa naranasan ni Joemar at base sa komento ng mga netizens, halos karamihan nga sa ating mga kababayan na kumuha ng National ID ay mayroong kani-kaniyang komento sa kanilang naging mukha sa ID picture.

Samantala, naipaliwanag naman noon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang dahilan kung bakit maraming delay sa pag-deliver ng mga ID ay marami ang “close matches” at kailangan nila itong suriin ng mabuti.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Never Akong Nag-stop” Awra Briguela Tuloy Pa Rin Sa Pag-aaral Kahit Busy Sa Trabaho

Komedyanteng Si Jose Manalo, Mayroon Palang Anak Na Doktora!