in

Komedyanteng Si Jose Manalo, Mayroon Palang Anak Na Doktora!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Katatawanan at kasiyahan ang madalas na hatid ng komedyanteng si Jose Manalo at kahit saan nga siya magpunta, maraming tao ang nakakakilala sa kaniya. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagtagal sa entertainment industry at napasabak na rin sa iba’t ibang proyekto tulad ng drama at mga pelikula.

Napabilang din ang komedyante sa mga Dabarkads ng longest running noontime show na “Eat Bulaga” at dito ay mas lalo pang naging successful ang kaniyang showbiz career.

Samantala bilang padre de pamilya, lahat ng ito ay alay niya sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang mga anak na gusto niyang suportahan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Isa na dito ang anak niyang si Myki Manalo at bata pa lang ay matayog na ang kaniyang pangarap sa buhay.

Nais ng dalaga na balang-araw ay maging isang doktora at kahit nga may kamahalan ang pag-aaral ng medisina ay naglakas loob siyang sabihin ito sa kaniyang ama na all-out naman ang support sa kanilang magkakapatid. Taong 2012 nang matapos si Myki sa kursong Psychology sa DLSU- Manila at ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa FEU-NRMF bilang preparasyon sa pagiging isang doktora.

Kagaya nga ng karamihan sa mga mag-aaral, hindi alintana ng dalaga ang puyat at pagod sa pag-aaral dahil nakatuon siya sa kaniyang pangarap na magkapasa sa mga exams at magkaroon ng lisensya bilang isang doktor. Kaya naman noong taong 2017 ay matagumpay niyang natapos ang internship sa De Los Santos Medical Center at makalipas ang ilang pang mga taon ay tuluyan na ngang nakamit ni Myki ang inaasam niyang titulo at trabaho.

Hindi man masyadong aktibo sa kaniyang social media, ay tiyak na proud na proud si Jose Manalo sa naging achievement ng kaniyang anak na si Myki.

Talaga namang nakakataba ng puso na makitang suportado ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pag-abot ng kanilang pangarap gaano man ito kalaki o katagal bago matapos.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Pumayat Na Ako Kahihintay” Isang Lalaki, Nagpahayag Ng Nakakagoodvibes Na Hugot Sa Kaniyang Natanggap Na National ID

Beach Photo Ni Kuya Kim Atienza Pinagkaguluhan Ng Mga Netizens!