in

“Never Akong Nag-stop” Awra Briguela Tuloy Pa Rin Sa Pag-aaral Kahit Busy Sa Trabaho

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kagaya ng karamihan sa mga kabataan, walang ibang hangad si McNeal Briguela o mas kilala natin bilang si Awra Briguela kundi ang makatulong sa pangarap ng pamilya na makaranas ng ginhawa at maayos na estado sa buhay.

Lumaki siya sa isang payak na pamilya at dahil nga sa angking talento ay agad siyang naging-viral at sumikat sa social media. Samantala, dahil sa kaniyang kakaibang karisma sa publiko ay nabigyan rin siya ng pagkakataon na mapasabak sa showbiz noong 2016 at hindi niya nga binigo ang mga direktor pati na rin ang kaniyang mga fans.

Unti-unting sumikat ang karera ni Awra bilang artista ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin siya tumigil sa kaniyang pag-aaral. Sa katunayan, kahit na sobrang busy sa mga shooting at ilang projects ay talaga namang gumagawa siya ng paraan para makapagpasa pa rin ang mga requirements sa school.

“Sobrang dami kong pinagdaan sa 4yrs kong pag-aartista at pagiging studyante, pero kahit anong pagod at hirap ang pinagdaanan ko kinaya ko kase nag enjoy lang ako!!!”, pagbabahagi ng aktor.

Sa ngayon ay graduate na siya ng junior high school at naging inspirasyon sa ilang kabataan na ngayon ay nagdadalawang isip at gusto ng sumuko sa pag-aaral. Samantala, hindi nga inaakala ni Awra na makakaya niyang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral kaya naman ganoon nalang ang saya na naramdaman niya lalo na nang makita na kabilang ang kaniyang pangalan sa listahan ng graduates.

Lubos na nagpapasalamat ang aktor sa lahat ng taong naniwala at tumulong sa kaniya upang maabot ang kaniyang pangarap dahil alam niya na hindi niya naman talaga ito kayang mapagtagumpayan ng mag-isa.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng taong naniwala at gumabay saken sa mga naging katrabaho, kaklase, guro ko salamat po sa inyo!! Mahal na mahal ko kayo!! Lalong lalo na sa pamilya ko kase kung wala kayo wala din ako.”, dagdag pa nito.

Hindi nga biro ang pag-aaral ngunit lahat naman ng pagod at puyat na ginugol sa loob ng ilang taon ay tiyak na magbubunga ng maganda kung hindi tayo susuko at patuloy na magsusumikap sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“There’s Nothing Cool About That” Ian Veneracion, Matapang Na Nagpahayag Tungkol Sa Isyu Ng Pambab@bae

“Pumayat Na Ako Kahihintay” Isang Lalaki, Nagpahayag Ng Nakakagoodvibes Na Hugot Sa Kaniyang Natanggap Na National ID