in

“There’s Nothing Cool About That” Ian Veneracion, Matapang Na Nagpahayag Tungkol Sa Isyu Ng Pambab@bae

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kung pagiging gwapo lang naman ang pag-uusapan ay tiyak na nangunguna diyan ang walang kupas na celebrity hunk Ian Veneracion. Sa katunayan, bago pa man pumasok sa show business ay talaga namang pinag-uusapan na ng marami ang taglay niyang magagandang katangian lalong-lalo na ang kaniyang ka-pogian.

Kahit nga lumipas na ang ilang dekada ay namamayagpag pa rin ang kaniyang ka-gwapuhan sa entertainment industry at halos hindi na mabilang ang mga nagawang palabas at pelikula kasama ang mga magaganda at batikang leading lady sa ating bansa.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nananatiling humble ang aktor at sa katunayan, loyal siya sa kaniyang asawa at partner na si Pam Gallardo na kasama niya sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Dahil nga dito ay mas lalo pang nadagdagan ang “pogi points” ng aktor at hindi lang mga kababaihan ang humahanga sa kaniya kundi pati na rin ang mga kalalakihan na walang ibang hangad kundi ang tularan siya pagdating sa relationship at marriage.

Samantala, matapang na nagbigay ng pahayag si Ian tungkol sa isyu ng pambababae.

“Madaling maging babaero, madaling mambabae. Pero kapag nahanap mo ’yung para sa’yo, it takes a real man to be faithful in a relationship. There’s nothing cool about being babaero.”, sambit ng aktor.

Ito rin ang lagi niyang payo sa kaniyang anak at mga kaibigang lalaki lalo na at hindi lang sukatan ng totoong kagwapuhan ang pagiging loyal sa relationship kundi nagbubunga din ito ng success at blessing sa buong pamilya.

Marami nga sa mga netizens ang naka-relate sa isyu at napa-wow sa diretsahang komento ng aktor. Ang ilan naman sa kanila ay halos hindi makapaniwala lalo na at mas lapitin ng tukso si Ian dahil sa klase ng trabaho na meron siya. Ganoon pa man, ipinakita lang nito kung ano ba talaga ang dapat na ginagawa ng isang totoong lalaki.

“yan ang tunay na gwapo.”, sambit naman ng isang netizen na na-inspire sa naging pahayag ng aktor.

Talaga namang nahanap na ni Ian Veneracion ang kaniyang forever partner sa katauhan ni Pam at sa araw-araw ay pinipili niyang maging loyal sa kanilang relasyon kahit na maraming temptasyon sa paligid.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“Sakuragi” Ng Pilipinas Na Si Marc Pingris, Naranasan Ang Hirap Ng Buhay Bago Naging Successful Basketball Player

“Never Akong Nag-stop” Awra Briguela Tuloy Pa Rin Sa Pag-aaral Kahit Busy Sa Trabaho