in

Batang Pasahero Noon, Flight Attendant Na Ngayon At Nakatrabaho Pa Ang Iniidolo Niyang Flight Attendant!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pagdating sa pagbuo ng ating mga pangarap, malaking impluwensya ang mga taong nakakasalamuha natin at pati na rin ang kapaligiran na ating ginagalawan. Dahil nga sa mga ito ay nagkakaroon tayo ng inspirasyon at unti-unting nabubuo sa ating isipan kung ano ba talaga ang gusto nating gawin sa buhay o di kaya naman ay klase ng trabaho na gusto nating pasukan.

Sabi nga nila, libre lang mangarap kaya naman huwag mo ng lagyan ng limitasyon ang iyong sarili kung ikaw ay mangangarap lang naman kagaya ng isang bata na usap-usapan ngayon sa social media.

Sa throwback photo na ibinahagi ng Pinay flight attendant na si Regina Gregorio ay makikita na isa siya sa mga pasahero noon ng eroplano at nabigyan ng pagkakataon na makapagpa-picture sa kaniyang iniidolo na si Zai Nucup, flight attendant sa Cebu Pacific.

Bata pa lang ay pangarap na niyang magtrabaho bilang isang FA at sa tuwing sasakay ng eroplano ay talaga namang pinagmamasdan niya ang mga ginagawa ng crew.

“from being one of her passenger boarded in flight to kalipad.”, caption ni Regina sa larawan nila ni Zai.

Batid ni Regina na hindi biro ang pagpasok sa ganitong industriya at kinakailangan niyang sumailalim sa matinding pag-aaral at mga trainings. Ganoon pa man, hindi siya nagpatinag at sa halip ay mas lalo pang nagpursigi upang maabot ang kaniyang pangarap. Maliban sa pamilya, naging inspirasyon niya si Zai upang maging isang ganap na flight attendant.

Makalipas nga ang ilang taon ay muling nagtapo ang landas ng dalawa at ngayon ay nagkasama pa sila sa isang flight ng Cebu Pacific airlines.

“It inspires me to pursue my dream and tada after so many years who would have thought that, once again our path had crossed and we now fly together both as Cabin Crew.”, dagdag pa ng dalaga

Talaga namang nakaka-inspire ang kwento ni Regina dahil ang simpleng kagustuhan niya noon na magtrabaho sa loob ng eroplano ay mas lalong naging malinaw at tumibay simula nang makita niya ng personal ang idolo na isa ring flight attendant.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Drew Arellano, Ibinuko Ang Work From Home Outfit Ng Kaniyang Asawa Na Si Iya Villania

“Sakuragi” Ng Pilipinas Na Si Marc Pingris, Naranasan Ang Hirap Ng Buhay Bago Naging Successful Basketball Player