Importante ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at malinis na pangangatawan upang maiwasan natin ang mga sakit na madalas ay dala ng mikrobyo o di kaya naman ay mga virus na nabubuhay sa maduduming lugar.

Kaya naman payo ng mga eksperto na panatilihin nating malinis ang ating sarili pati na rin ang ating kinakain upang masiguro ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. Ngunit ang bagay na ito at taliwas sa paniniwala ng isang lalaki na 94-taong gulang at nakatira sa southern province ng Fars, Iran.
Nakilala siya bilang si Amou Haji o tinatawag ding “Uncle Haji” ng mga nakakakilala sa kaniya. Dahil nga sa kaniyang kakaibang pamumuhay sa loob ng ilang dekada ay tinagurian siyang “dirtiest man in the world”.

Ayon sa kwento ng mga taong nakatira sa Dejgah village, takot si Uncle Haji na maligo dahil sa paniniwalang siya’y magkakasakit kapag naging malinis.
“If he cleans himself, he will get sick,” report ng Islamic Republic News Agency (IRNA).
Maliban dito ay hindi rin siya kumakain ng fresh na mga pagkain dahil sa kaparehong paniniwala kapag siya ay naligo. Marami nga ang namangha dahil kahit na ganoon ang kaniyang naging istilo ng pamumuhay sa loob ng mahabang panahon ay maganda pa rin ang kaniyang pangangatawan.

Sa kabila nito, mataas pa rin ang respeto sa kaniya ng mga tao sa kanilang village. Sa katunayan, mabait ang pakikitungo sa kaniya ng mga tao at binibigyan siya ng masustansyang pagkain at pinagawan ng sariling tahanan upang hindi na matulog sa basurahan. Sinubukan rin nila itong paliguan ngunit madalas ay tumatakas lang.
Hindi tumigil ang mga tao sa Dejgah village at sa kauna-unahang pagkakataon ay napaliguan nila si Uncle Haji. Ngunit napansin nila na makalipas ang ilang buwan ay bigla itong nagkas@kit hanggang sa nitong Oktubre ay napabalita ngang binawian na siya ng buhay.

Marami ang nagulat sa nangyari lalo na at ilang buwan bago siya pumanaw ay sinuri siya ng isang doktor mula Tehran at sinabing maayos naman ang kaniyang pangangatawan.
Halos hindi rin makapaniwala ang mga nakasama ni Uncle Haji sa village dahil hindi naman nila ito nakitang nagkaroon ng s@kit sa loob ng mahabang panahon.
Comments
Loading…