in ,

Silipin Ang Classy Artista Van Ng Nag-iisang Si Heart Evangelista

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mahalaga sa bawat artista ang pagkakaroon ng sariling sasakyan lalo na at kadalasan ay malalayo ang kanilang mga pinupuntahang lugar para sa shooting. Sa katunayan minsan ay palipat-lipat rin sila ng set kaya naman minabuti ng karamihan sa mga kilala nating celebrities na mag-invest sa tinatawag na “artista van” o isang sasakyan na pina-customized ayon sa gustong disenyo at pangangailangan ng mga artista.

Isa sa mayroong ganitong klaseng sasakyan ay walang iba kundi ang fashion model na si Heart Evangelista. Syempre kagaya niya, classy at elegante ang kaniyang working van na ngayon nga ay ipinakita niya rin sa kaniyang mga tagahanga.

White van ang napili ng artista at isa itong Mercedes Benz Sprinter na nagkakahalaga ng mahigit sa 2.6 milyon pesos. Ayon kay Heart, gusto niya ng minimalist design at pina-customize niya ito sa tulong ng Primera Klasse at kaibigang designer na si Mark Bumgarner .

Samantala, pagpasok pa lang ay makikita na kaagad ang pagkahilig ng aktres sa mamahaling gamit tulad nalang ng kaniyang dalawang VVIP captain seats na parehong may touch pad control panel at built-in massager at heater. Ang cover ng mga upuang ito ay all-white Chanel-inspired quilted leather na talaga namang gustong-gusto ni Heart.

Sa harapan naman ng captain seats ay makikita ang isang monitor 32-inch TV at dito na rin ang media area ng van kung saan nakalagay ang Bluetooth connection, touch controls, outlets, and charging port. Syempre hindi rin mawawala ang pull-out table na pwedeng gamitan kapag kakain o di kaya naman ay lalagyan ng mga make-up o laptop. Ang mga bintana naman ng van ay pinasadya ni heart na maging kagaya ng sa eroplano.

“We wanted to feel like we’re actually traveling, hence this window… parang airplane ’cause I always travel.”, dagdag pa ng aktres.

Isa pang nakakaaliw na lugar sa van ni Heart ay ang kaniyang closet kung saan nakalagay ang kaniyang mga fashion clothes at shoes na madalas ay ginagamit sa kaniyang trabaho.

“I’ve always loved having vans because of the nature of my work. We always have like, long hours from 4 a.m. sometimes to 12 noon the next day. Well, growing up in showbiz, that’s how it was.”

Talaga namang saktong-sakto sa taste at personality ni Heart ang napili niyang disenyo ng kaniyang artista van na classy at elegante ang dating.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Engineer Graduate Na Nahilig Sa Paggawa Ng Cake, Ngayon Ay Kumikita Ng Mahigit 100k Kada Buwan!

Madiskarte Mom Ryza Cenon, Gumawa Ng Laruang Sasakyan Para Sa Anak Gamit Lang Ang Karton!