Hindi biro ang pagtatapos sa kolehiyo lalo na at bilang estudyante ay marami kang kailangang ipasa na exams at masiguro na mayroon kang nauunawaan sa itinuturo ng mga guro. Kaya naman masasabi nating achievement talaga ang makapagtapos ng kolehiyo lalo na kung ang kurso mo ay may kinalaman sa Engineering na isa sa mga in-demand ngayon.

Ganoon pa man, marami pa ring estudyante ang nakakaranas ng dobleng hirap sa paghahanap ng trabaho dahil na rin sa malawakang kompetisyon. Isa na nga dito si Danica Lynn Casta na graduate ng kursong BS Construction Engineering and Management sa Mapua University. Nagkataon na lockd0wn noon kaya hindi siya kaagad nagkaroon ng trabaho kaya naman naghanap siya ng ibang pwedeng pagkakitaan at ito nga ay ang baking.

Malayong-malayo man ito sa kaniyang natapos sa kolehiyo, passion talaga ito ni Danica at noon ngang birthday ng kaniyang pamangkin ay gumawa siya ng cake. Ibinahagi niya ito sa kaniyang social media at unti-unti ng nagkaroon ng interes ang kaniyang mga kakilala at nagsimulang mag-order sa kaniya. noong Father’s Day.

Dito na nagseryoso si Danica at mas lalo pang pinagbuti ang kaniyang ginagawa. Kung noon nga ay simpleng designs lang ang kaya niyang gawin, ngayon ay nagagawa na niya ang kahit na anong design na ipinapagawa ng kaniyang mga customer.
Samantala, hindi lang mga kaibigan ang sumuporta sa small business ni Danica dahil kahit mga kilalang celebrities tulad nina Jed Madela at Sofia Andres ay napa-order din ng kaniyang mga cute at masasarap na bento cakes.

Dahil dito, naging full-time baker na si Danica at sa unang buwan ng kaniyang negosyo ay kumita siya umaabot sa 100,000 pesos!

Sa ngayon nga ay nasa 1,000 piraso ang mga natatanggap nilang orders kada buwan kaya naman sa tulong ng kaniyang mama at walo pang empleyado ay napapatakbo niya ang kaniyang kompanya.

“For all na gustong mag-pursue ng dreams nila na malayo sa course nila, kung mo talaga, i-push mo na”, payo ni Danica sa mga kabataana na naghahanap ng mapagkakaitaan.
Talaga namang kapag mahal mo ang iyong ginagawa at tiyak na maganda ang magiging resulta nito.
Comments
Loading…