Nakakatuwang makita ang ating mga kababayan na sa kabilang ng hirap na pinagdadaanan ay mas lalo pang nagpupursigi at patuloy na gumagawa ng paraan para maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Isa na nga dito si Henry na tubong Quezon province.

Ayon sa kaniyang asawa na si Apple, nag-umpisa si Henry bilang janitor sa isang company na nagbebenta ng mga insectic!de. Dito niya unang binuo ang kaniyang mga pangarap at habang nagtatrabaho sa umaga, naglalaan naman siya ng lakas para sa kaniyang pag-aaral sa gabi.

At para nga mas lalo pang matustusan ang kaniyang edukasyon ay lumipat siya ng trabaho at naging isang sales agent. Dito na nagkakilala ang dalawa at lubos ang naging paghanga ni Apple kay Henry dahil sa ipinapakita niyang determinasyon sa pagtatrabaho.
Dahil nga tuluyan ng nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t isa ay nagdesisyon silang magpakasal noong 2005 at simula noon ay hindi na sila namasukan bilang empleyado. Nag-isip sila kung papaano magkakaroon ng negosyo at dahil nga sa kagustuhan ni Apple na pumuti ay sinimulan nila ang pagtatayo ng isang kompanya na mag-ooffer ng mga natural na pampaganda at pampaputi.

“Birong totoo po iyon, kasi naisip ko, kung gagamit din lang ako ng pampaputi, gusto ko ay yung alam ko kung ano ang ingredients.”, kwento ni Apple.
Hindi nga nag-aksaya ng pagkakataon sina Apple at gamit ang 5,000 na puhunan mula sa kasal ay nagsimula silang gumawa ng mga produkto at narehistro din ang pangalan ng kanilang negosyo na “C and H Cosmetic Industry”.

Hindi nagtagal ay tinangkilik ng taumbayan ang kanilang mga produkto lalo na at wala itong harmful ingredients. Malaking tulong din para sa mag-asawa na mayroon silang lugar sa probinsiya kung saan sila kumukuha ng halos 80% ng kanilang ginagamit sa bawat produkto.
Samantala, malaking tulong naman para kala Henry ang mabilang sa beneficiaries ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) ng Department of Science and Technology (DOST). Dahil dito ay nakabili sila ng makina na mas lalo pang nagpabilis sa kanilang produksyon.

Sa ngayon nga ay hindi lang sa Pilipinas sikat ang produkto nina Apple at Henry dahil kahit sa ibang bansa ay mayroon na rin itong mga sales distributors.
“Mula po sa kakaunting production, umabot kami sa 40,000 to 50,000 ang daily production.” kwento naman ni Henry.
Hindi talaga matatawaran ang talento ng mga Pilipino at kahit sa larangan ng pagnenegosyo ay kayang-kaya nating makipagsabayan sa mga dayuhan.
Comments
Loading…