in

Aktres Na Si Melissa Ricks, Masayang Inanunsyo Ang Pagdadalantao Sa Kaniyang Baby Number 2

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi maitago ang kasiyahan na nadarama ng celebrity mom na si Melissa Ricks matapos nitong malaman na siya ay nagdadalantao pala sa kaniyang ikalawang anak. Kaya naman, agad niyang ibinahagi sa publiko ang magandang balita na sinuportahan naman ng mga netizens.

Source: Mellisa Ricks Instagram

Matatandaan na isa si Melissa sa mga Star Circle Quest alumna at simula ng sumali ito sa nasabing show ay unti-unti na siyang nakabuo ng pangalan sa mundo ng showbiz. Marami rin siyang nagawang palabas at pelikula sa ilang taong karera sa entertainment industry at hindi nga maikakaila na maganda ang nagiging takbo ng kaniyang trabaho.

Source: Mellisa Ricks Instagram

Ngunit sa kabila nito ay nagdesisyon siya na lisanin ang spotlight para mag-focus sa binubuo nilang pamilya ng anak na si Kiera at partner na si Michael Macatangay.

Ikinasal ang dalawa sa L.A matapos ang halos tatlong taong pagsasama at kapansin-pansin na simula noon ay iba na ang saya na mababakas sa mukha ng aktres. Naging maganda ang pagsasama nina Melissa at Micahel at sa loob ng mahabang panahon ay nananalangin sila na sana ay mabiyayaan din ng isa pang anak.

Source: Mellisa Ricks Instagram

Hindi nga nabigo ang mag-asawa sa kanilang mataimtim na dasal dahil sa latest update ng aktres ay ipinakita niya ang ultrasound results ng kaniyang baby number 2.

“When the time is right, I, the Lord will make it happen.” Isaiah 60:22, caption ni Melissa sa kaniyang Instagram post.

Super happy ang buong pamiya ng aktres lalong-lalo na si Kiera na ngayon ay magiging ate na. Samantala, marami naman ang nakapansin na blooming ngayon si Melissa kaya naman inaasahan ng ilan na babae ulit ang kaniyang magiging anak.

Source: Mellisa Ricks Instagram

Agad namang inulan ng pagbati ang soon-to-be mom at mula nga sa kaniyang mga kaibigan at fans ay nakatanggap siya ng magagandang mensahe at ang ilan ay kinakamusta rin ang kaniyang kalagayan.

Sa ngayon ay doble ingat si Melissa sa kaniyang pagkilos at mga kinakain dahil gusto niyang maging healthy ang bata sa kaniyang sinapupunan.

Source: Mellisa Ricks Instagram

Tunay ngang blessing ang pagkakaroon ng baby kaya naman ganoon nalang ang pasasalamat ng aktres dahil muli siyang biniyayaan ng isa pang anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kim Chiu, Nag-enjoy Sa Kaniyang Experience Sa Loob Ng Tiny House Sa Florida, USA

Tingnan Ang Magarbo At Airplaine Cabin Inspired Taping Van Ng Aktres Na Si Bea Alonzo