in

CuteCute OMGOMG CryCry LOLLOL LoveLove WTFWTF AngryAngry

Naaalala Niyo Pa Ba Si Paquito Diaz Ang Hari Ng Kontrabida

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sino ba ang hindi nakakakilala sa pangalang Paquito Diaz o Francisco Bustillos Diaz Sr. sa totoong buhay? Kung batang 90’s ka ay siguradong naabutan mo siya sa mga pelikula dahil isa siya sa mga sikat na sikat na kontrabida. Marami nga ang inis na inis sa kaniya sa tuwing nakikita sa telebisyon at isa lang itong patunay na talaga namang nagawa niya ng maayos ang role na ibinigay sa kaniya ng direktor.

Source: Facebook

Sa loob ng ilang dekada ay nakasabayan ni Paquito sa pagsikat ang nag-iisang “The King” Fernando Poe Jr. at halos lagi silang magkasama sa mga pelikula. Samantala, lingid sa alam ng karamihan ay isa ring magaling na basketbolista ang aktor at noon ay kabilang siya sa team FEU Tamaraws na nagwagi ng tatlong sunod-sunod na kampeonato.

Source: Facebook
Source: Facebook

Namayagpag nga ang kasikatan noon ni Pacquito ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti ring nawala ang kinang niya sa mundo ng entertainment hanggang sa nakalimutan na rin ang kaniyang pangalan. Kasabay nito ang panghihina ng kaniyang katawan at pagkakaroon ng iba’t ibang kar@mdaman.

Sa ngayon nga ay marami ang nagulat ng makita na ibang-iba na ang pisikal na kalagayan ng dating matipuno at malakas na si Paquito Diaz. Puti na ang kaniyang mga buhok at malaki rin ang ipin@yat ng kaniyang katawan.

Samantala, dahil sa kaniyang mga s@kit ay lumaki ang gastusin ng dating aktor hanggang sa unti-unting maubos ang naipon niya sa pag-aartista. Umabot rin sa punto na nagdesiyon silang mag-asawa na ibenta ang kanilang bahay at lupa pati na rin ang pagmamay-aring sasakyan.

Ngunit hindi nagtagal ay hindi na rin kinaya ng aktor ang pakikibaka sa kaniyang karamdaman at sumuko na rin ang kaniyang katawan. Noon ngang March 3, 2011 sa edad na 78 years old ay tuluyan na siyang nam@alam at iniw@n ang kaniyang mga mahal sa buhay.

Marami rin sa ating mga kababayan ang nalungkot sa nangyari at ang ilan sa kanila ay nagbahagi pa ng tribute sa social media bilang pagkilala sa kaniyang mga nagawa para maging buhay ang pelikulang Pilipino.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mommy Dani Barretto, Ibinahagi Ang Bonggang Birthday Party Ni Baby Millie

Kim Chiu, Nag-enjoy Sa Kaniyang Experience Sa Loob Ng Tiny House Sa Florida, USA