in

Mommy Dani Barretto, Ibinahagi Ang Bonggang Birthday Party Ni Baby Millie

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat magulang ay walang ibang hangad kundi ang kabutihan ng kanilang mga anak. Sa katunayan, pagdating nga sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan ay all-in ang ginagawa nilang preparasyon para masiguradong magiging memorable ang araw na ito. Isa na nga dito ang celebrity mom na si Dani Barretto na super excited sa kaarawan ng kaniyang unica-hija na si Baby Millie.

Source: Dani Barretto Instagram

Sa official pictures na inilabas ng Nice Print photography ay makikitang bongga ang nasabing celebrasyon at mukhang “twinkle-twinkle little star” ang naging tema nito.

Source: Dani Barretto Instagram

Kapansin-pansin kasi ang naglalakihang stars at mga ulap pati na rin ang mga cake na ubod ng ganda.

Source: Dani Barretto Instagram

Syempre hindi rin mawawala sa party ang play area ng mga bata at talaga namang na-enjoy ni Millie at ng kaniyang mga kaibigan ang slides na maraming bola pati na rin ang iba pang laruan.

“Still on a high from Millie’s Birthday party yesterday. Thank you to everyone who helped make this party a success!”, pagbabahagi ni Dani sa kaniyang social media post.

Source: Dani Barretto Instagram

Kabilang sa mga dumalo sa birthday party ang mga kapatid ni Dani na sina Julia, Claudia at Leon. Naroon din ang aktor na si Gerald Anderson at iba pang kaibigan nila sa showbiz industry.

Samantala, marami ang mga nagpaabot ng pagbati kay Baby Millie at karamihan sa kanila ay nagpadala ng regalo kahit na hindi nakadalo sa mismong party. Ang mga netizens naman ay nagpahayag rin ng kanilang paghanga sa napakagandang birthday party at nasabi nila na talaga namang mahal na mahal ng mag-asawa ang nag-iisa nilang anak.

Source: Dani Barretto Instagram

Pinasalamatan rin ni Mommy Dani ang mga tumulong sa kaniya upang maisakatuparan ang plano niyang special party sa anak. Ginanap ang event sa Alta Guia at maliban sa indoor playground ay mayroon din itong mini swimming pool na pwedeng ma-enjoy ng mga bisita.

Source: Dani Barretto Instagram

Matatandaan na ikinasal si Dani kay Xavier Panlilio noong April 23, 2019 at nabiyayaan ang kanilang pagmamahalan ng isang napakagandang anak na binigyan nila ng pangalang Camilla Marguerite B. Panlilio.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Ang Magarbong Mansyon Ni “Megastar” Sharon Cuneta Na Nag-iisa Lang Sa Pinas!

Hari Ng Kontrabida Na Si Paquito Diaz, Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon!