in

Silipin Ang Magarbong Mansyon Ni “Megastar” Sharon Cuneta Na Nag-iisa Lang Sa Pinas!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa loob ng ilang dekada sa mundo ng show business ay naging makinang ang karera ng aktres na si Sharon Cuneta. Dahil nga sa dami ng kaniyang mga nagawang pelikula at hindi matawarang pagganap sa mga papel na ibinibigay sa kaniya ay tinagurian siyang “Megastar”. Kasabay ng kaniyang pagsikat ay ang pagtupad niya sa kaniyang pangarap at isa na nga dito ang makapagpatayo ng sarili niyang bahay.

Source: Google

Katulad niya, “mega” din ang mansyon ng aktres at nag-iisa lang ito sa bansa. Bihira lang magbigay si Sharon ng detalye tungkol sa kaniyang bahay kaya naman marami ang natuwa nang ipasilip niya ang ilang bahagi nito sa publiko.

Source: Google

Matatagpuan ito sa Mandaluyong at para sa kaniyang mga kaibigan na madalas bumisita, tinatawag nila itong “The Fortress”. Paano kasi, mayroong mga nagtataasang pader sa bawat gilid ng bahay kaya naman hindi mo masisilip kung ano ang meron sa loob nito. Samantala, kulay puti ang pintura ng loob at labas ng mansyon kaya naman maaliwalas itong tingnan at presko rin ang hangin dahil napapaligiran ito ng mga puno at iba pang halaman.

Source: Google

Sa gilid ng main house ay mayroong dalawang palapag na guest room kung saan pwedeng mag-party nang hindi na-iistorbo si Megastar kapag gusto na niyang magpahinga.

Source: Google

Syempre, hindi rin mawawala ang mga naggagandahang appliances at furnitures sa loob ng bahay tulad nalang ng bamboo curtains na siya pa lang ang gumagamit dito sa Pilipinas. Kapansin-pansin din ang napaka-gandang Sunburst and Cherub Sculpture sa may pintuan na galing pa umano sa Paris.

Source: Google

Samantala, buhay na buhay ang buong paligid ng bahay dahil sa mga art collections ng aktres. Noon pa man ay nahihilig na si Sharon Cuneta sa pagkolekta ng magagandang art piece tulad ng paintings, chandeliers at kung anu-ano pa. Ito nga ang naging stress-reliever niya at tuwang-tuwa sa tuwing nakikita sa loob ng bahay ang mga naipon niyang collections.

Source: Google

Talaga namang napaka-elegante ng bahay ni “Megastar” at sumisimbolo rin ito ng kaniyang katanyagan at tagumpay sa buhay. Isang patunay lang na kung patuloy tayong magsisipag at magsusumikap ay kayang-kaya nating maisakatuparan ang pagpapagawa ng ating “dream house”.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Lola Na 88-Anyos, Mag-isang Nakatira Sa Isang Bayan At Siya Rin Ang Mayor, Librarian At May-ari Ng Restaurant!

Mommy Dani Barretto, Ibinahagi Ang Bonggang Birthday Party Ni Baby Millie