Ayon sa pag-aaral, doble o higit pa ang nadadagdag sa populasyon ng mundo sa bawat taon na lumilipas. Kaya naman hindi nakakapagtaka na ang ilan sa atin ay naghahanap ng lugar o bayan kung saan mas kakunti ang tao at tahimik ang pamumuhay. Ngunit kahit saan ka pumunta, tiyak na mahigit pa rin sa isang tao ang iyong makikita.

Pero ibahin natin ang bayan ng Monowi na matatagpuan sa Nebraska, United States of Amerika. Sa loob ng mahabang panahon ay nanatiling 1 ang populasyon nito at ang nakatira ay walang iba kundi isang babae na nasa 88-taong gulang na!

Ito ay walang iba kundi si Elsie Eiler at ayon sa ginawang 2010 U.S Census, siya ang nag-iisang naitala na residente ng nasabing bayan. Hanggang ngayon ay nandoon pa din ang matanda at umaabot na nga sa 17 years ang paninirahan niya sa lugar na mag-isa.

Samantala, ayon sa kwento ni Elsie, napamahal na sa kaniya ang Monowi kaya naman kahit na unti-unti ng lumipat ng ibang lugar ang kaniyang mga kapitbahay at buong komunidad ng kanilang bayan ay nagdesisyon siyang manatili. At dahil nga mag-isa lang siya ay siya na rin ang nagtatrabaho upang mapanatiling buhay ang lugar.

“I’m the only one that lives here in town. Everybody else has either passed away or moved away and this is where I chose to stay.”, kwento niya.
Abala rin si Elsie sa pagpapatakbo ng kaniyang restaurant kung saan nagbebenta siya ng burgers, hotdogs at beers. Samantala, sa tulong ng kaniyang mga kaibigan sa karatig na lugar ay naka-survive ito kahit noong panahon ng pand3miya. Taun-taon rin ay nagbabayad siya buwis sa gobyerno para hindi na rin maputulan ng tubig at kuryente.

“Each year, I just renew my license and stay again. I mean, basically I’m happy here. This is where I really want to be, or I wouldn’t stay here” dagdag pa nito.
Mukhang nahanap talaga ni Elsie ang tunay na kasiyahan sa bayan ng Monowi at dito na siya mananatili hanggang sa huli.
Comments
Loading…