in

Alamin Ang Buhay Ngayon Ng Binansagang “Alas Pogi” Ng Pelikulang Pilipino Na Si Ace Espinosa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maangas, matipuno at magandang lalaki, ilan lang ito sa mga katangian na tumatak kapag pinag-usapan na ang pangalang Ace Espinosa. Isa siya sa mga betiranong aktor na talaga namang gumawa ng pangalan sa larangan ng pelikulang Pilipino at pinakilig din ang napakaraming mga kababaihan.

Sumabak siya sa showbiz noong 1986 at nag-umpisa sa “That’s Entertainment” show kung saan mas lalong nahubog ang angkin niyang talento sa pag-arte. Supporting roles ang unang ginawa ni Ace ngunit dahil sa taglay niyang katangian at malakas na karisma pagdating sa ma-aksyong pelikula, agad siyang nabigyan ng lead roles.

Bumida nga si Ace sa iba’t ibang action movies at talaga namang hinangaan sa kaniyang kakaibang istilo at pagganap bilang bida. Pinauso rin ng aktor ang “flat top” hairstyle na ginaya naman ng karamihan sa ating mga kababayan.

Samantala, sa dinami-dami ng mga babae na nagkakagusto sa kaniya ay iisa lang ang napusuan ng aktor at ito ay walang iba kundi ang dating beauty queen na si Maricel Morales. Madalas silang magkatambal sa mga pelikula at dahil dito ay mas lalo pang naging malapit sa isa’t isa. Sa huli ay sila ang nagkatuluyuan at ikinasal hanggang sa magkaroon din ng dalawang anak na ngayon ay parehong dalaga at binata na.

Sa kabila ng kaniyang kasikatan ay nagdesisyon si Ace na lisanin ang showbiz at mamuhay ng pribado malayo sa media at reporters. Hindi rin pinalad ang pagsasama nila ni Maricel at tuluyang naghiwalay ng landas.

Sa ngayon ay naninirahan si Ace sa Canada kasama ang bago niyang partner at doon na namumuhay ng tahimik. Sa kabila nito ay hindi niya nakakalimutan ang kaniyang responsibilidad sa kaniyang mga anak. Sa katunayan, naglalaan siya ng panahon at oras para umuwi ng Pilipinas at kahit sa maikling panahon lang ay pinipiling makasama ang anak nila ni Maricel.

Talaga namang hanggang ngayon ay wala pa ring kupas ang ka-gwapuhan ni Ace Espinosa at kahit nagkaka-edad na ay napanatili niyang maganda ang kaniyang pangangatawan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Aktres Na Si Angel Aquino, Walang Kupas Ang Ganda Sa Edad Na 48!

Lola Na 88-Anyos, Mag-isang Nakatira Sa Isang Bayan At Siya Rin Ang Mayor, Librarian At May-ari Ng Restaurant!