in

Aktres Na Si Angel Aquino, Walang Kupas Ang Ganda Sa Edad Na 48!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mayroong mga nagsasabi na “Life starts at 40” at marami nga sa ating mga kilalang artista ay napatunayan na mas lalo pang gumanda ang kanilang buhay at awra simula nang tumuntong sila sa nasabing edad. Isa na dito si Angel Aquino na hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag ang career sa showbiz.

Una siyang nadiskubre ng direktor na si Jeffrey Jeturian habang namamasyal siya sa isang mall at 19-taong gulang pa lang siya noon. Talaga namang agaw-pansin ang mga katangian ni Ange dahil maliban sa kaniyang magandang mukha at balingkinitang katawan ay matangkad din ito kumpara sa pangkaraniwang mga babae.

Source: Angel Aquino Instagram

Noong una ay inaalok siya na sumali sa mga beauty pageant ngunit tila ba nakatadhana talaga siya sa entertainment industry dahil unang pasok pa lang ay marami na ang natuwa sa kaniyang angking talento.

Hindi matatawaran ang mga projects na nagawa ng batikang aktres at halos lahat na nga siguro ng role bilang artista ay kaniya ng nasubukan. Kaya naman hindi nakakapagtaka na sa loob ng ilang dekada ay halos hindi na rin mabilang ang mga awards na kaniyang natanggap.

Source: Angel Aquino Instagram

Ngayong tumuntong na siya sa edad na 48 years old ay maraming natutunan si Angel sa buhay at isa na nga dito ay kung papaano niya aalagaan ang kaniyang sarili. Marami ang nakakapansin na sa kaniyang edad ay mas lalo pa siyang naging blooming at talaga namang napanatili ang ganda ng kaniyang kutis. Isa sa kaniyang mga regular na ginagawa ay ang pag-ehersisyo at pagpili ng masustansyang mga pagkain.

Source: Angel Aquino Instagram

Samantala, mayroon ng dalawang anak ang aktres at pareho ng dalaga ang mga ito ngunit dahil sa kaniyang pag-aalaga sa sarili ay parang hindi ito dumaan sa pagbubuntis. Fit na fit kasi ang kaniyang katawan at hindi maitatangi na s3xy pa rin ito kahit na higit 40 na ang edad.

Source: Angel Aquino Instagram

Tunay ngang mahalaga na matuto tayong pangalagaan ang ating sarili dahil sa huli ay tayo rin ang aani ng benepisyo nito tulad nalang ni Ms. Angel Aquino.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jake Ejercito At Anak Na Si Ellie Masayang Nag-bonding Sa Europa

Alamin Ang Buhay Ngayon Ng Binansagang “Alas Pogi” Ng Pelikulang Pilipino Na Si Ace Espinosa