in

Jake Ejercito At Anak Na Si Ellie Masayang Nag-bonding Sa Europa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maraming bagay man ang mangyari para masira ang pagsasama ng isang pamilya ay tiyak na sa huli ay magiging maayos din ang lahat. Katulad nalang ng pamilya nina Jake Ejercito at dating aktres na si Andi Eigenmann na noon ay nagkaroon ng alitan ngunit ngayon ay muli ng naging magkaibigan.

Source: Jake Ejercito Instagram

Sa katunayan, ngayon ay nagagampanan nilang mabuti ang pagiging magulang sa anak nilang si Ellie kahit na hindi sila ang nagkatuluyan.

Mukhang na-enjoy ni Ellie ang modern setup ng kaniyang pamilya at kamakailan lang ay nagbakasyon ito sa Europa kasama ang kaniyang mommy Andi at partner nitong si Philmar Alipayo.

Source: Jake Ejercito Instagram

Masaya siyang nakipag-bonding sa kaniyang kapatid na si Lilo at Koa at namasyal sa magagandang lugar sa France tulad ng Basque seaside town na matatagpuan sa Hendaye. Dahil nga mahilig sila sa dagat ay parang ayaw na nilang umalis sa lugar at sa katunayan ay nagsurfing pa sa karagatan ng Europa.

Samantala, hindi dito natatapos ang Europe adventure ni Ellie dahil muli siyang sinundo ng kaniyang Daddy Jake para naman makipagbonding sa pamilya ng mga Ejercito. Syempre pagkakataon na rin ito ng aktor para magkaroon ng quality time sa anak lalo na at ngayon ay medyo abala siya sa kaniyang mga project sa showbiz.

Source: Jake Ejercito Instagram

Pinuntahan nila ang mga kilalang atraksyon sa lugar at sa isang social media post nga ay maraming netizens ang napasabing “best dad ever” si Jake dahil halos lahat ng gustong gawin ng anak ay pinagbibigyan niya. Kagaya nalang ng pagbili ng mga paborito nitong candy at pagkain sa isang kilalang fast food chain.

Source: Jake Ejercito Instagram

Nabigyan din ng pagkakataon si Ellie para makapagbonding sa Mommy ng aktor at kapatid nitong si Jerika. Syempre hindi nila nakalimutan ang pag-shopping abroad at sa isang Instagram story ay makikitang nagsusukat ito ng sapatos habang tinutulungan ng kaniyang Lola at Tita.

Source: Jake Ejercito Instagram

Talaga namang napakaganda sa pakiramdam na wala tayong kagalit sa buhay at dahil dito ay nagiging magaan ang lahat. Tulad nalang nina Jake at Andi na natutong magpatawad sa isa’t-isa kaya naman naging maayos na ang pagsasama ng kanilang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Proud Moment: Mangyan Scholar Ni Kara David, Isa Na Ngayong Licensed Teacher!

Aktres Na Si Angel Aquino, Walang Kupas Ang Ganda Sa Edad Na 48!