in

Proud Moment: Mangyan Scholar Ni Kara David, Isa Na Ngayong Licensed Teacher!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa loob ng ilang dekada ay naipamalas ng journalist na si Kara David ang kaniyang dedikasyon at puso pagdating sa pagbibigay ng magagandang balita. Sa katunayan, isa siya sa mga hinahangaan pagdating sa paggawa ng mga dokumentaryo na talagang tumatalakay sa pangunahing isyu ng ating bansa tulad nalang ng kahirapan.

Source: Facebook

Sa kaniyang paglilibot sa buong Pilipinas ay naantig ang kaniyang puso sa ating mga kababayan na hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral at mabago ang kanilang kapalaran dahil na rin sa kakulangan ng kakayanang pinansyal.

Dahil nga dito ay nagtayo siya ng isang foundation sa tulong ng kaniyang mga kaibigan at tinawag niya itong “Project Malasakit”. Naglalayon itong magbigay ng scholarship sa mga kabataan na kinakitaan ng determinasyon sa pag-aaral tulad nalang ng isang estudyante na si Patrick Reyes.

Source: Facebook

Bata pa lang ay matayog na ang pangarap ng binata at hangad niya na balang-araw ay maging isang guro at siya naman ang makatulong sa kanilang komunidad. Isa si Patrick sa mga indigenous tribe sa probinsya ng Mindoro at una silang nagkita ni Kara David nang bumisita ito sa kanilang lugar para sa kaniyang trabaho.

“I met Patrick many years ago when I did a documentary on the indigenous peoples of Mindoro, the Mangyan tribe. Patrick comes from a very poor Mangyan family. He is a hardworking young man who dreams of becoming a teacher to help spread the gift of education to his community.” kwento ng journalist.

Source: Facebook

Talaga namang nagpamalas ito ng kasipagan at pagpupursigi sa pag-aaral kaya naman ngayon ay hindi lang siya nakapasa sa kursong kinuha sa kolehiyo kundi isa rin siya sa mga nakapasa sa ginanap na Licensure Exam for Teachers (LET).

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng binata sa Project Malasakit at sa lahat ng sponsors nito dahil all-out ang kanilang suporta sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap. Sa ngayon nga ay buong-buo ang loob ni Patrick na simulan ang kaniyang plano na makatulong hindi lang sa kaniyang pamilya kundi sa buong komunidad ng Mangyan sa Mindoro.

Source: Facebook

Nagsimula ang scholarship program ni Kara David noong 2002 at abot-langit nga ang kaniyang pasasalamat sa mga taong tumutulong para magawa nila ang layunin na magbigay ng pinansyal na tulong sa mga kabtaan na nakakaranas ng kahirapan.

“Salamat sa lahat ng donors at higit sa lahat, salamat sa Panginoon sa biyaya ng malasakit.”, dagdag pa nito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kim Chiu, Ipinasilip Ang Kaniyang Three-Storey Mansion House Na Matatagpuan Sa Q.C.

Jake Ejercito At Anak Na Si Ellie Masayang Nag-bonding Sa Europa