in

OPM Singer Na Si Ronnie Liang Nagtapos Ng Master’s Degree In Management!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi matatawaran ang angking galing ni Ronnie Liang pagdating sa larangan ng pag-awit at lubos nga siyang hinangaan ng publiko dahil sa angking talento. Samantala, matapos sumali sa Pinoy Dream Academy ay marami siyang natanggap na mga offer at naging daan ito para umangat ang kaniyang singing career at nabigyan din ng pagkakataon na sumabak sa ilang acting projects.

Source: Ronnie Liang Instagram

Maganda nga ang naging takbo ng kaniyang karera sa showbiz ngunit sa kabila nito ay hindi nawala sa isipan ni Ronnie ang kahalagahan ng edukasyon. Kaya naman, gumawa siya ng paraan upang maisingit ito sa kaniyang busy schedules at hindi lang isa kundi dalawang kurso pa ang kinuha niya sa kolehiyo. Sumailalim din siya sa mga trainings para maging isang Army reservist sa kagustuhan na makapaglingkod at makatulong sa ating bayan.

Source: Ronnie Liang Instagram

Dahil nga sa kaniyang determinasyon at sipag ay sunod-sunod ang mga naging achievements niya ngayong taon tulad nalang ng promotion noong nakaraang buwan ng Marso.

Mula sa pagiging second lieutenant ay kinilala na ngayon si Ronnie bilang first lieutenant ng Philippine Army (Reservist) matapos makitaan ng kasipagan at magandang pag-uugali. Maliban dito ay naging maugong rin ang balita na nakapasa na rin siya bilang isang piloto.

Source: Ronnie Liang Instagram

Samantala, noong nakaraang buwan naman ng Agosto ay masayang ibinahagi ng aktor ang kaniyang graduation photo bilang pagtatapos ng Master’s Degree in Management Major in National Security and Administration (MMNSA) sa Philippine Christian University (PCU).

Source: Ronnie Liang Instagram

Suot ang itim at dilaw na toga ay proud ang dating aktor sa kanyang naging accomplishment at ngayon nga ay natupad na rin ang pangarap na makakuha ng master’s degree.

“From my perspective as an artist, I realized that obtaining a higher education is an empowering tool that will provide us with many opportunities.”, caption nito sa kaniyang ibinahaging Instagram post.

Source: Ronnie Liang Instagram

Talaga namang hindi mapipigilan si Ronnie sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap at ngayon nga ay patuloy na nagiging inspirasyon sa mga kabataan.

“Being a singer is my first love, and becoming a commercial pilot has been a childhood dream. However, my master’s degree is like a stronger safety net in this life of constantly not knowing what will happen next.”, dagdag pa nito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Isang Lalaki Na Kumita Ng P800,000 Dahil Sa Pagbebenta Ng Filipino Street Foods Sa New York!

Kim Chiu, Ipinasilip Ang Kaniyang Three-Storey Mansion House Na Matatagpuan Sa Q.C.