in

Kilalanin Ang Isang Lalaki Na Kumita Ng P800,000 Dahil Sa Pagbebenta Ng Filipino Street Foods Sa New York!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pagdating sa paggawa ng mga nakakatakam na pagkain ay siguradong hindi magpapahuli diyan ang ating mga kababayan. Sa katunayan, kahit mga banyaga ay talaga namang hinahanap-hanap ang lasa ng mga pagkaing Pinoy tulad nalang ng sinigang at adobo.

Dahil dito ay nagkaroon ng ideya ang ating mga kababayan sa ibang bansa at sunod-sunod ngang nagtayo ng Filipino food business abroad. Ang ilan ay mayroong sariling restaurant kung saan best seller ang adobo at sinigang samantalang ang iba naman ay simpleng nagbebenta ng sorbetes o kilala rin sa tawag nating “dirty ice cream”. Lahat sila ay kumikita ng malaki at isa na nga dito ang Pinoy na si Robin John Calalo.

Source: Robin John Calalo

Nasa New York siya ngayon at nagtatrabaho bilang isang fitness instructor at hindi nagtagal ay naisipan niyang magbenta ng paborito niyang street foods. Nag-umpisa siya sa maliit na puhunan at mayroon lang maliit na pwesto sa gilid ng kalsada ngunit dahil sa kaniyang sipag at masarap na paninda ay mabilis na lumago ang kaniyang negosyo.

Source: Robin John Calalo

Trending ngayon si John hindi lang sa ating mga kababayan kundi pati na rin abroad at binansagan pa ngang si “Boy Isaw”. Dahil dito, mas lalong nakilala ang kaniyang business at talagang dinarayo ng mga banyaga. Kumikita lang naman ng umaabot sa 200,000 pesos kada linggo o katumbas ng 800,000 pesos sa isang buwan!

Source: Robin John Calalo

Dahil nga malaki na ang demand ng kanilang mga customer ay nag-hire na siya ng mga crew para sa street food business pero araw-araw ay nandoon siya sa lugar at hands-on pa din sa pamamalakad ng negosyo.

Ilan lang sa kanilang best seller ay ang atay balunan, betamaz, hotdog, isaw, adidas at ang paborito ng lahat na chicharon bulaklak.

Source: Robin John Calalo

Marami rin sa ating mga kababayan sa New York ang naglalaan ng oras para bumisita sa pwesto ni John at nagdadala pa ng kanilang mga kaibigan. Lahat sila ay nanabik na muling makatikim ng pagkain Pinoy at hindi nga nabigo.

Source: Robin John Calalo

Talaga namang amazing ang ginawa ni John at hindi lang siya kumita ng malaki dahil ngayon ay naging inspirasyon pa siya sa mga netizens.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“What A Surprise” Bianca King Soon To Be Mommy Na Rin!

OPM Singer Na Si Ronnie Liang Nagtapos Ng Master’s Degree In Management!