in

Sash Na May Cash, Isang Estudyante, Solve Ang Graduation Kahit Walang Award!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Iba talaga ang mga nanay pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga anak at sabi nga nila “Mother knows best”. Simula’t simula pa lang kasi ay mayroon ng koneksyon ang ating mga nanay sa atin habang tayo ay nasa sinapupunan pa lang.

Kahit nga umabot na sa tamang edad at magkaroon ng sariling pamilya ay talaga namang hindi matatawaran ang mga ginagawang efforts ng ating mga ina para lang masiguro na maayos ang ating buhay.

Source: TikTok

Isang estudyante nga ang naging viral kamakailan lang dahil napaka-swerte nito sa kaniyang Nanay. Trending ngayon ang kwento ni Rudel Gahum na nagtapos ng high school sa Potungan National High School, Zamboanga del Norte.

Sa ibinahaging Tiktok video ng kaniyang kapatid na si Fidel Gahum ay maririnig na naghihiyawan ang mga tao dahil sa mga natanggap na award ng kanilang mga kaklase ngunit mas tumindi ang hiyawan nang salubungin si Rudel ng kaniyang nanay dala-dala ang isang malaking sash na punong-puno ng cash!

Source: TikTok

Ayon kay Susan na ina ni Rudel, alam niya na walang award ang anak sa graduation nito at okay lang ito sa kaniya ang mahalaga ay nagawa ng anak ang lahat para makapagtapos ito ng pag-aaral. At para nga mapasaya ang anak ay naisipan niyang bigyan ito ng graduation gift.

“Kahit wala man siyang makuhang anumang award, mahal na mahal ko pa rin siya dahil anak ko siya at sapat na sa akin ang may makuha siyang diploma.”

Source: TikTok

Naging masaya si Rudel sa kaniyang espesyal na araw lalo na at naroon ang kaniyang pamilya na talaga namang all-out ang suporta sa kaniya. Dahil nga dito ay mas nagkaroon siya ng inspirasyon na pagbutihin pa ang pag-aaral sa kolehiyo.

Samantala bilang isang ina, walang ibang hangad si Susan kundi ang maranasan ng kaniyang mga anak ang magandang buhay mayroon mang award o wala.

Source: TikTok

“Ang wish ko po sa anak ko ay magsumikap lang po siya sa kaniyang pag-aaral kahit mahirap lang po kami upang siya ay makatapos sa kolehiyo at magkaroon ng magandang trabaho at makamit niya ang kaniyang mga gusto sa buhay.”, dagdag pa niya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comedienne at Beauty Queen na si Herlene Budol, Pinasikat ang Kanyang Birthday Celebration na May Iconic Theme na Darna

“What A Surprise” Bianca King Soon To Be Mommy Na Rin!