Matapos makoronohan bilang 1strunner-up ng Bb.Pilipinas si comedienne-actress na si Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl naging sunod-sunod naman ang kaliwa’t kanan nito ang kanyang kasikatan.

Patuloy pa rin ang pagtangkilik sa kanya ng mga netizens dahil na rin sa maganda nitong personalidad. Bukod sa kanyang natural na pagpapatawa isa rin siyang mapagmahal na anak at kapatid sa kanyang pamilya. Kaya naman isa rin ito sa mga dahilan kung bakit minahal siya ng mga tao.
Sa maraming challenges sa kanyang buhay ito ay kanyang naging inspirasyon upang patuloy pang magbigay saya sa bawat taong naniniwala sa kanyang kakayahan. Hindi lang pagiging isang komedyante ang kanyang ipinakita bagkus mas malaking oppurtunidad pa ang kanyang napagtagumpayan sa katatapos lamang na Bb.Pilipinas 2022.

Kung saan nasungkit nga niya ang 1st runner-up award at naging hakot award din niya ang iba pang kategorya. Patunay lamang ito na hindi lamang siya sa pagpapatawa umaangat kundi pati na rin sa tunay na kagandahan.
Sa katunayan isang biyaya ng kanyang tagumpay ang kamakailan lamang niyang kaarawan kung saan siya ay nagdiwang ika-23rd birthday. Sa pagdiriwang niya sa kanyang kaarawan ay naging agaw-pansin ang kanyang birthday theme kung saan makikitang siya ay nakasuot ng costume ng iconic superhero na si Darna.

Aniya, matagal na daw niyang pangarap ang makapagsuot ng custome ng paborito niyang superhero character. Kaya labis ang kanyang kasiyahan at kagalakan dahil natupad niya ito sa araw mismo ng kanyang kaarawan.
Ika pa niya sa kanyang Instagram caption, “Ding ang korona! Suot ko ang costume ni Darna hango sa idolo kong si Marian Rivera ng gmanetwork na naging Darna noon. Natupad na din ang pangarap kong magsuot ng Darna costume sa aking kaarawan.”

Kung noon ay sanay lamang siya sa isang simpleng handaan ngayon ay naging bongga ang kanyang birthday celebration na dinaluhan ng kanyang kapwa mga celebrities at malalapit na mga kaibigan.
Dumalo rin sa kanyang kaarawan ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino na malaki ang naging bahagi sa kanyang buhay.
Happy birthday Herlene!
Comments
Loading…