First-time mom at celebrity actress na si Angelica Panganiban ay nalalapit ng manganak matapos ang announcement nitong pagbubuntis. Excited ngayon si Angelica at kanyang non-showbiz partner na si Gregg Homan sa paglabas ng kanilang munting anghel.

Kaya naman bago pa ang kanyang panganganak ay hindi naman magpapahuli ang aktres sa kanyang maternity photoshoot na talagang kabog na kabog ang kanyang kaseksihan at kagandahan. Sa Instagram post ni Angelica, talaga ngang napakaganda niya sa kanyang flowy dresses habang siya ay nasa isang private yacht.

Aniya sa kanyang caption, “Sails up! Happiness is on the way.” Ang mga larawang ito ay kuha pa ng kanyang personal photographer na si Paolo Pineda at ito ay kuha sa isang napakagandang beach. Sa edad na 35, pinuri si Angelica ng kanyang kapwa celebrities bilang isang hot momma. Isang baby girl ang inaasahan ng aktres na kanilang magiging anak.

Sa mga larawan ni Angelica, na-surpresa at napa-wow niya ang kanyang mga tagahanga at tagasuporta sa showbiz dahil sa kanyang napaka-seksing photoshoot. At nito nga lamang July ay masayang nagdiwang sina Angelica at Gregg ng kanilang anniversary.

Pahayag pa ni Angelica, “Napaka-overwhelming ng lahat ng ito. Ganito pala ang pakiramdam ng makumpleto ka. Kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit nakakatakot, hindi ka pala magdadalawang isip magbigay lang ng magbigay.”
“Ang sarap makaramdam ng purong pagmamahal. Ganito pala yung pagmamahal ng ina.”
Comments
Loading…