Hindi matapos na pag-iyak dahil sa sobrang kaligayahan, ganito ang nangyari sa aktres na si Jessy Mendiola nang malaman niya sa unang pagkakataon na buntis na siya. Sa katunayan, agad silang naghanda ng kaniyang partner na si Luis Manzano para agad na mai-dokumento ang isa sa pinakamagandang nangyari sa kanilang buhay bilang mag-asawa.
Sa ibinahaging vlog ng aktres ay makikitang nakasuot sila ng pang-kasal ni Luis at sa dulo nito ay ipinakita ni Jessy ang kaniyang napaka-cute na baby bump. Kuha ang nasabing video sa isang chapel sa Benguet at talaga namang na-enjoy ng mag-asawa ang kanilang mini-vacation sa napakaganda at memorableng lugar.

Hindi rin inilihim ng aktres ang kaniyang pagbubuntis sa mga netizens at masaya niyang ibinahagi ang ultrasound result ng kanilang anak na ngayon ay tinatawag nilang “little peanut”.
“Say hello to the world, our little Peanut!”, caption ng aktres sa kaniyang Instagram post.

Dahil nga dito ay kaliwa’t kanan ang mga natanggap nilang mensahe sa kanilang pamilya at kaibigan tulad nalang ni Marian Rivera at Alex Gonzaga.
Samantala, plano sana nina Jessy at Luis na magkaroon ng church wedding ngayong taon ngunit mukhang iba ang plano ni Lord para sa kanilang dalawa. Dahil nga sa pagdating ng kanilang anak ay mas nadagdagan pa ang kaligayahan ng mag-asawa lalo na at ngayon ay magkakaroon na sila ng matatawag nilang “sariling pamilya.

“For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives.”, kwento pa ng aktres.
Sa ngayon ay marami ang nag-aabang sa mga updates na gagawin ni Jessy at Luis dahil very-open naman sila sa kanilang mga fans at halos lahat nga ay ibinabahagi nila sa kani-kaniyang Youtube channel.

Samantala super excited naman ang aktres ng malaman ang naging kasarian ng baby at habang naghihintay ay wala siyang ibang hangad at panalangin kundi ang kaligtasan at maayos na kalusugan ng bata na kaniyang dinadala sa kaniyang sinapupunan.

It’s a baby girl. Matapos ang isinagawang gender reveal ng mag-asawa.
Congratulations sa inyo Jessy at Luis!
Comments
Loading…