in

Netizens Tuwang-tuwa Sa Family Photo Nina Kaye Abad At Jake Castillo Kasama Ang Kanilang Cute Babies

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kahit na parehong celebrities at nasa mundo ng show business, mas pinili nina Kaye Abad at Jake Castillo na manatiling “low key”. Hanggat maaari ay ginagawa nilang pribado ang kanilang personal na buhay at minsan lang din magbahagi ng ilang detalye sa kanilang mga fans sa pamamagitan ng social media.

Source : Kaye Abad Instagram

Kaya naman kamakailan lang ay tuwang-tuwa ang mga netizens sa lumabas na family photo ng celebrity couple. Kasama nila dito ang dalawang anak na sina Joaquin at Iñigo na talaga namang super-cute at pogi. Marami ang nakapansin na ang panganay ay may hawig kay Jake samantalang kahawig naman ng aktres ang bunso.

Source : Kaye Abad Instagram

Ito ang kauna-unagang larawan na ibinahagi ni Kaye sa social media kung saan makikita ng mga netizens ang bunso nilang si Iñigo. Hindi naman mapigilan ng mga netizens na hangaan ang family photo ng aktres dahil maliban sa kitang-kita kung gaano sila kasaya bilang pamilya ay elegante rin silang tingnan habang suot ang damit na gawa ng Pinoy designer na si Anthony Ramirez.

Source : Kaye Abad Instagram

Matatandaan na nag-umpisa bilang magkaibigan ang dalawa at sa katunayan ay mag-bestfriend pa sina Kaye at Jake. Matapos ang halos apat na taon ng pagkakaibigan ay naging opisyal silang magkasintahan noong April 14, 2014.

Nagprose naman ang aktror kay Kaye noong May 17, 2016 at makalipas lang ang pitong buwan ay ikinasal sila sa San Pedro Calungsod Chapel sa Cebu City. Dinaluhan ito ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Source : Kaye Abad Instagram

Simula noon ay wala pa ring kupas ang ganda ng aktres at marami nga ang nagsasabi na mas lalo pa itong gumaganda at nagiging blooming. Paano naman kasi maganda rin ang estado ng kanilang relasyon ni Jake at sa loob nga ng mahabang taon ng kanilang pagsasama ay patuloy nilang ipinapadama ang pag-ibig sa isa’t isa.

“Wonderful family pictures..God bless your family and Kaye Abad, still pretty pa din ang baby face..ang ganda.”, komento ng isang fan.

Huwaran nga sa karamihan ang pamilya ng celebrity couple na sina Kaye Abad at Jake Castillo lalo na sa panahon ngayon na marami tayong nababalitaang hiwalayan sa relasyon ng mga kilala nating artista.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Miss Universe 2010 Venus Raj, Ipinasilip Ang Ilang Parte Ng Kaniyang Napakagandang Bungalow House