Beautiful and elegant. Ilan lamang ito sa magagandang komento ng mga tao sa ganda at personalidad ng beauty queen na si Venus Raj. Siya ang hinirang na Miss Universe Philippines 2010 at naging representative ng Pilipinas sa ginanap na international beauty pageant sa Amerika.

Ipinakita ni Venus sa buong mundo ang natural na ganda ng mga Filipina lalong-lalo na ang angkin nating talento at talino. Siya ang hinirang na 4th Runner Up sa Miss Universe 2010 at ang pagkapanalo na ito ay ipinagdiwang ng buong bansa.

Sa ngayon ay patuloy na nagiging huwaran si Venus sa ating mga kababayan at kahit nga tapos na ang nasabing patimpalak ay sinusubaybayan pa rin siya ng mga netizens sa social media. Kamakailan lang ay marami ang napa-wow sa ibinahagi niyang larawan ng sariling bahay na matatagpuan sa probinsya ng Cam Sur.

Noon pa man ay pangarap na ni Venus na magdisenyo ng sarili niyang tahanan kaya naman ganoon nalang ang ginawa niyang pagsisikap na makapag-ipon ng pera. Matapos ang pagkapanalo bilang Miss Universe Runner Up ay nagkaroon siya ng pagkakataon na maging host ng Umagang Kay Ganda at nasubukan ring maging artista.

Umuwi si Venus sa probinsya para asikasuhin ang pagpapagawa ng kaniyang bahay na inabot ng halos kalahating taon bago matapos. Isa itong modern bungalow house at nasunod ang gusto ni Venus na magkaroon ng maaliwalas at nakaka-relax na tahanan.

Maraming silid sa loob nito at talagang ipinasadya ito ni Venus dahil marami siyang mga kamag-anak na madalas ay bumibisita at doon natutulog. Samantala, kapansin-pansin naman ang mga halaman sa paligid ng bahay na mas lalo pang nagbigay ng ganda sa lugar.
Abot langit naman ang pasasalamat ng beauty queen dahil sa wakas ay nai-enjoy na niya ang bunga ng kanyang mga paghihirap. Matatandaang naibahagi ni Venus sa kanyang mga interview na noon ay nakatira lang sila sa isang payak na bahay kubo at doon niya naranasan ang hirap ng buhay lalo na at wala silang linya ng kuryente.

Bata pa lang ay nasanay na si Venus sa mga gawaing bahay at ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mas lalo siyang nagpursigi na mag-aral at abutin ang kanyang mga pangarap hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa buo niyang pamilya.
Comments
Loading…