Lahat ng bagay ay handang gawin ng mga magulang para lang maipadama sa kanilang mga anak kung gaano nila ito kamahal. Nariyan ang pagbibigay ng mga pangunahin nilang pangangailangan tulad ng pagkain, damit, maayos na tirahan at edukasyon. Sa katunayan, hangga’t maari ay ginagawa rin nila ang lahat ng makakaya para maging maganda at memorable ang pagdiriwang ng kanilang kaarawan.

Ganito nga ang ginagawa ng komedyante at aktres na si Pokwang. Hands-on siya sa pag-aalaga sa kanyang bunsong anak na si Malia O’Brian at dahil madalas nga silang magkasama sa loob ng bahay, naisipan ng aktres na ibahagi sa publiko ang ilan sa kanilang mga pinagkakaabalahan.

Aliw na aliw ang mga netizens sa mga napapanood nilang vlogs ng mag-ina at marami ang natutuwa dahil sa murang edad pa lang ay marami ng natutunan si Malia. Nagsisilbi ngang inspirasyon sa nakararami si Malia at ngayon ay mas lalo pang dumarami ang mga tao na sumusubaybay sa kanyang mga ginagawa.

Samantala, bata pa lang ay ipinapaunawa na ni Pokwang sa anak ang mga nangyayari sa paligid tulad nalang noong magkaroon ng pand3mic at hindi agad-agad makalabas ng bahay.

Natutuwa ang aktres dahil agad naman itong naiitindihan ni Malia at sa katunayan, hindi ito naging maarte at nagpumilit na sa labas ipagdiwang ang selebrasyon ng kanyang 4th birthday.

Kagaya ng mga nakaraang taon, nagdesisyon si Pokwang na sa loob lang ng bahay gagawin ang pagdiriwang ng birthday ni Malia. Doon sila naglagay ng mga palamuti at kasama ang kanilang malalapit na kaibigan ay naghanda sila ng mga masasarap na pagkain.
“Happy 4th birthday sa aming manika-manikaan. Dalawang taon ka ng nagbi-birthday sa bahay lang…pero okay lang yan anak. Ang mahalaga, ligtas ka lagi a malusog na bata.”, caption ng aktres sa kaniyang ibinahaging Instagram photo.

Talaga namang walang ibang hiling ang magulang kundi makita ang kanilang mga anak na masaya, ligtas at malayo sa anumang uri ng karamdaman. Ito ang pinakamahalaga para sa kanila dahil sabi nga nila “health is wealth” kaya naman ganoon nalang ang pag-iingat na ginagawa ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Comments
Loading…