in

Netizens, Aliw Na Aliw Sa Bonding Ng Mag-Inang Assunta De Rossi At Baby Fiore!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ng naging achievement sa buhay ang aktres na si Assunta De Rossi at sa loob nga ng ilang dekada niya sa showbiz industry ay halos hindi na mabilang ang mga projects na nagawa niya at awards na natanggap. Ngunit sa lahat ng ito ay wala ng mas hihigit pa sa kanyang achievement bilang isang ina.

Abot langit ang pasasalamat ng aktres dahil kahit para sa ilan ay huli na ang lahat, nabiyayaan pa rin siya ng isang napaka-cute na baby girl. Super proud si Assunta sa kanyang anak na si Fiore at araw-araw ay nagbibigay ito sa kaniya ng kasiyahan kahit na minsan ay hindi maiwasang magpuyat at mapagod.

Source: Assunta De Rossi Instagram

Samantala, very open ang aktres sa bonding moments nila ni Baby Fiore at sa katunayan ay lagi siyang nagbabahagi ng update sa kaniyang Instagram account. Tuwang-tuwa nga ang kanilang mga fans sa tuwing may bagong update ang aktres dahil talaga namang nakakatanggal ito ng str€ss at good vibes ang laging hatid ng mag-ina sa social media.

Source: Assunta De Rossi Instagram

Walang ibang gustong gawin si Assunta kundi sulitin ang bawat araw na kasama ang anak kaya naman kapag mayroong pagkakataon ay talagang isinasama niya ito sa pamamasyal. Minsan ay nasa beach ang mag-ina at mayroon pa silang twinning outfit na talaga namang napaka-cute tingnan. Kasama ang ilan sa kamag-anak at kaibigan ng aktres ay namasyal din sila ni Fiore sa People’s Park na matatagpuan sa San Carlos City, Negros Occidental.

Source: Assunta De Rossi Instagram

Gustong-gusto ng aktres na nasusubukan ng kaniyang anak ang mga bagong bagay tulad nalang ng paglalakad sa damuhan, paglalaro ng buhangin o ano pang mga outdoor activities. Naniniwala kasi si Assunta na sa ganitong paraan ay mas matututo si Baby Fiore at maganda din ang fresh air para sa kalusugan ng anak.

Source: Assunta De Rossi Instagram

Tunay ngang ang pag-ibig ng isang ina ay hindi kayang mapantayan at tulad nalang ng ginawa ni Assunta de Rossi na talagang naglalaan ng oras para alagaan si Baby Fiore at ipadama sa kanya kung gaano niya ito kamahal.

Source: Assunta De Rossi Instagram

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Ang Naipundar Na Bahay Ng Aktor Na Si Empoy Marquez

Dating Water Tank, Na-Transform Ng Isang Lalaki At Ngayon Ay Isa Ng Napakagandang Tank House!