in

Silipin Ang Naipundar Na Bahay Ng Aktor Na Si Empoy Marquez

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Katatawanan at kasiyahan ang laging hatid ng aktor na si Empoy Marquez sa kanyang mga tagahanga. Dito nga siya mas lalong nakilala ng publiko at halos lahat ng ginagawang pelikula at palabas sa telebisyon ay talaga namang pinipilahan at umaani ng magagandang komento.

Source: Empoy Instagram

Samantala, hindi lang comedy ang kayang gawin ng aktor dahil pinatunayan niya na kayang-kaya niya ring makipagsabayan sa drama at aksyon.

Lahat nga ay kayang gawin ni Empoy Marquez at ito ay dahil na rin sa matindi niyang pangarap na mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang buong pamilya.

Source: Empoy Instagram

Ilan sa mga sikat na pelikulang nagawa ng aktor ay ang ‘Since I Found You’, ‘Mr.Suave” at ‘Supahpapalicious’. Nasundan pa ito ng ‘Kita Kita’ na talaga namang kumita ng malaki sa takilya. Dahil nga sa kaniyang successful career ay hindi nakakapagtaka na marami na ring na-invest si Empoy at kabilang na dito ang dalawang properties na nabili niya.

Source: Empoy Instagram

Mayroon siyang two-storey house sa Bulacan na nabili niya noong taong 2019 at dito nakatira ang buo niyang pamilya.

Source: Google

Nakakuha din siya ng condo unit sa Quezon City na madalas niyang uwian sa tuwing nagtatrabaho at sunod-sunod ang mga tapings.

Source: Empoy Instagram

Ayon kay Empoy, simple lang ang gusto niya sa isang bahay at ang mahalaga ay kasama niya dito ang buong pamilya dahil ito naman talaga ang kukumpleto ng lahat at talagang nagpapasaya sa kanya.

Source: Google

Ang bahay niya sa Bulacan ay napapaligiran ng mga halaman at sa harapan nito ay mayroong maliit na garahe para sa kanilang sasakyan. Samantala, sa unang palapag ng bahay ay sasalubong sa mga bisita ang malalambot na couch sa sala at syempre hindi dito mawawala ang TV.

Source: Google

Ang kusina naman ay halos katabi lang ng kanilang dining area kung saan makikita ang six-seaters dining table na saktong-sakto para sa pamilya ni Empoy. Sa ikalawang palapag makikita ang mga kwarto at lahat ito ay kumpleto sa gamit tulad ng sofa bed, flat screen TV, aircon at sariling banyo.

Source: Google

Samantala, ang pinaka paboritong lugar ni Empoy ay ang balcony dahil dito siya madalas magpalipas ng oras at mag-relax. Sa gilid nito ay nagpalagay siya ng mini fish pond kung saan nila nilalagay ang mga alagang isda.

Source: Google

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

2 Milyon House & Lot, Papremyo Ng Vlogger Na Si Donnalyn Bartolome Para Sa Kanyang Mga Fans!

Netizens, Aliw Na Aliw Sa Bonding Ng Mag-Inang Assunta De Rossi At Baby Fiore!