in

2 Milyon House & Lot, Papremyo Ng Vlogger Na Si Donnalyn Bartolome Para Sa Kanyang Mga Fans!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Malayo na ang narating ng singer, aktres at vlogger na si Donnalyn Bartolome. Isa siya ngayon sa mga kilalang top influencers sa ating bansa at patuloy pang gumagawa ng mga bagay na maaring maka-inspire sa ating mga kababayan.

Source: Donnalyn Bartolome Instagram

Samantala, kahit na napakarami na niyang naging achievement in life ay nananatili pa rin itong humble at isa nga ito sa mga katangian na gustong-gusto ng kanyang mga tagahanga. Sa katunayan, inamin ni Donnalyn na lahat ng kanyang tagumpay ngayon ay dahil sa kaniyang mga taga-suporta na walang sawang naniniwala sa kanyang kakayahan at laging nandyan para siya ay tulungan.

Source: Donnalyn Bartolome YouTube

Kaya naman, bilang pasasalamat ay naghanda si Donnalyn ng isang napakalaking sorpresa para sa mga netizens at followers ng kaniyang Youtube channel. Nagkakahalaga ng 2 milyon pesos ang house and lot na papremyo ng aktres sa maswerteng mapipili. Ang buong detalye nito ay makikita sa kaniyang ginawang vlog at bago ang lahat ay nag-house tour muna siya sa nasabing bahay.

Source: Donnalyn Bartolome YouTube

Napakaganda ng exterior design nito at pastel color ang pintura kaya naman napaka-cute tingnan. Samantala, pagpasok ay sasalubong kaagad ang fully furnished na sala at ang ganda rin ng napiling kulay ng sofa.

Kahit ang kitchen area nito ay kumpleto na rin sa gamit tulad ng dining table, refrigerator, oven at iba pang appliances kagaya ng flat screen TV. Sa ikalawang palapag naman matatagpuan ang mga kwarto na sa unang tingin pa lang ay talaga namang nakaka-relax higaan at sa gilid nito ay mayroon ding mini-office area.

Source: Donnalyn Bartolome YouTube

“Help to help yourself. Madali lang to guys. mag-comment lang kayo kung ano ang ginagawa nyo to help yourself or the people around you.”, pahayag ni Donnalyn para sa mechanics ng kaniyang house and lot giveaway.

Source: Donnalyn Bartolome YouTube

Napakaraming netizens ang nanonood ng video at halos lahat sila ay umaasa na sana ay sila na ang mapiling mabiyayaan ng napakagandang house and lot mula sa napakabait na vlogger.

Source: Donnalyn Bartolome YouTube

Talaga namang ang pagiging matulungin sa kapwa ay mas aani pa ng napakaraming biyaya tulad nalang ng nangyayari ngayon kay Donnalyn.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Babaeng May Pinakamaraming Koleksyon Ng Hermes Bags!

Silipin Ang Naipundar Na Bahay Ng Aktor Na Si Empoy Marquez