in

Andi Eigenmann At Philmar Alipayo, Nagpatayo Ng Surf School at Snack Bar Sa Siargao

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ilang taon na ring namamalagi sa napakaganda isla ng Siargao ang dating aktres na si Andi Eigenmann. Dito na siya nakahanap ng partner sa buhay at nagkaroon na rin ng dalawa pang anak. Talaga namang na-enjoy ng aktres ang tahimik at payak na pamumuhay sa isla at ito ang klase ng buhay na noon pa man ay gusto na niyang maranasan.

Source: Andi Eigenmann Instagram

Samantala, nakapagpagawa na rin sila ni Philmar ng bahay sa Siargao at lubos silang kinagigiliwan ng mga netizens sa ibinabahagi nilang vlogs sa sarili nilang Youtube channel.

Tuwang-tuwa ang mga netizens na makita kung gaano kasaya ang pamilya ni Andi at Philmar sa isla ng Siargao at hinahangaan rin ang dalawa kung paano nila hinahayaang masubukan ng kanilang mga anak ang mga bagong bagay tulad nalang ng surfing.

Source: Andi Eigenmann Instagram

Parehong gusto nina Philmar at Andi ang pamamalagi sa dalampasigan at Surfing ang isa sa mga paborito nilang sport. Kaya naman sa ngayon ay inumpisahan na rin nilang magtayo ng isang paaralan na magtuturo sa mga tao na gustong matuto ng surfing.

Source: Andi Eigenmann Instagram

Ito ay ang Kanaway Surf School at Snack Bar na magkatuwang na pinag-isipan nina Philmar at Andi kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan sa isla. Mayroon silang mga instructor na lahat ay professional surfers at Siargao Island Surfers Association (SISA) Certified.

Source: Andi Eigenmann Instagram

Gusto ng dalawa na maging chill lang ang lugar at ang mga pagkain nila dito ay talaga namang saktong-sakto para ma-refresh ang mga customers bago at pagkatapos nilang mag-aral ng surfing.

Source: Andi Eigenmann Instagram

Bukas na ngayon sa publiko ang Surf School nina Andi na matatagpuan sa Cloud 9 at talaga namang dinarayo ito ng mga turista. Agad namang nakatanggap ng pagbati ang aktres mula sa kaniyang mga fans at lalong-lalo na sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Halos lahat sila ay saludo at humahanga sa aktres dahil patuloy itong nagiging inspirasyon sa mga netizens hindi lang bilang isang madiskarteng mommy kundi bilang isang business woman din.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Netizen, Nailipat Ang Buong Pamilya Sa Kanilang Dreamhouse Mula Sa Barong-Barong Na Dating Kulungan Ng Baboy

Kilalanin Ang Babaeng May Pinakamaraming Koleksyon Ng Hermes Bags!