in

Sharlene San Pedro Na-achieve Na Ang Pangarap Na College Diploma!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nagbunga ang lahat ng paghihirap ng aktres na si Sharlene San Pedro dahil matapos ang ilang taong paghihintay, sa wakas ay nakamit na niya ang pinaka-inaasam na college diploma.

Sharlene San Pedro Instagram

Bata pa lang ay sumabak na si Sharlene sa pag-aartista kaya hindi maiwasan na ma-miss niya ang klase at nagkaroon nga ng pagkakataon na mahuli siya sa kaniyang mga ka-edad. Ngunit hindi ito naging hadlang sa aktres na mawalan ng pag-asa lalo na at nananatili sa kaniya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na edukasyon.

Sharlene San Pedro Instagram

Sa katunayan, nakadalo ng highschool bilang isang regular student at nakapagtapos sa Sanctuary Christian School nong taong 2015. Samantala, sa kabila ng kaniyang busy schedules ay naglalaan pa rin ito ng panahon para sa pag-aaral at sinikap nga na makapag-enroll sa college.

Sharlene San Pedro Instagram

Kumuha siya ng kursong AB Psychology sa pamamagitan ng AMA Online Education at nitong taon nga ay natapos niya ang programa at isa sa mga estudyanteng dumalo ng virtual graduation!

“Sa wakasssssss.”, caption ng aktres sa kaniyang graduation photo suot ang kulay asul na toga.

Sharlene San Pedro Instagram

Samantala, ilan sa mga pinagdaanan ni Sharlene sa kaniyang college life ay ibinabahagi niya sa kaniyang mga fans kaya naman nagsilbi rin itong inspirasyon sa kaniyang kapwa kabataan. Lubos nga siyang hinangaan ng mga netizens sa napili niyang thesis title na “In the Limelight: A Phenomenological Study on the Social Media Bashing Experience to the Emotional Health of Selected Public Figures”.

Pinag-usapan niya dito kung papaano nakaka-apekto sa ating kalusugan ang hindi magandang pananalita at pakikitungo sa ating kapwa sa social media.

Sharlene San Pedro Instagram

Talaga namang malayo na ang narating ng noo’y napaka-cute na si Sharlene San Pedro. Nagsimula lang siya bilang isang child-actress sa Kapamilya TV show na “Goin’ Bulilit” at ngayon nga ay kahanay na rin ng mga kilalang artista na hindi lang sa harapan ng camera hinangaan kundi pati na rin sa totoong buhay.

Sunod-sunod naman ang natanggap niyang pagbati mula sa kaniyang pamilya, mga kaibigan pati na rin mga fans.

“Congratulations Sharlene!!! Very good ka talaga. You are humble and a good example to everyone especially the young people.”, banggit ng isang netizen.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kiray Celis, Kinagiliwan Ng Mga Netizens Sa Ginawang Exclusive House Tour Ng Overlooking Na Bahay Sa Tagaytay!

Isang Netizen, Nailipat Ang Buong Pamilya Sa Kanilang Dreamhouse Mula Sa Barong-Barong Na Dating Kulungan Ng Baboy