in

Kiray Celis, Kinagiliwan Ng Mga Netizens Sa Ginawang Exclusive House Tour Ng Overlooking Na Bahay Sa Tagaytay!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nakakaaliw ang aktres at komedyanteng si Kiray Celis sa kaniyang mga ibinabahaging vlogs sa social media. Lagi ngang good vibes ang ibinibigay niya sa kaniyang mga followers at kamakailan lang ay isinama niya ang mga netizens sa pamamayal nila ng kanilang pamilya sa napakagandang bahay sa Tagaytay.

Source: Kiray’s YouTube Channel

Mayroon itong tatlong palapag at talagang nakaka-relax ang lugar dahil napapaligiran ito ng mga puno. Malamig din ang lokasyon dahil itinayo ito sa isa sa pinakamataas na lugar sa Tagaytay.

Source: Kiray’s YouTube Channel

Sa unang palapag ay ipinakita ni Kiray ang bagong ayos na kwarto ng kaniyang Tatay at simple lang ang loob nito dahil hindi naman ito mahilig sa maraming gamit. Halos katabi lang din nito ang kwarto ng kaniyang kapatid at doon nga nagrerelax kasama ang kaniyang girlfriend.

Source: Kiray’s YouTube Channel
Source: Kiray’s YouTube Channel

Samantala, isang malawak na sala at dining area naman ang sunod na ipinakita ng aktres. Sa mga pader nito ay may naggagandahang paintings na nakadagdag pa sa ganda ng bahay.

Source: Kiray’s YouTube Channel

Open kitchen ang naging disenyo ng kanilang kusina at isa namang mahabang mesa ang katabi nito kung saan madalas na magsalu-salo ang buong pamilya.Sa ikalawang palapag nandoon ang sariling kwarto ng aktres at mayroon din silang ibang silid para sa mga bisita.

Source: Kiray’s YouTube Channel

Ang pinakamagandang lugar sa bahay ay ang ikatlong palapag dahil doon mayroong open balcony kung saan pwedeng-pwede kang mag-relax habang umiinom ng kape, nag-aalmusal o di kaya naman nagbabasa ng libro. Kitang-kita mula dito ang napakagandang tanawin ng tagaytay at minsan nga kapag sobrang lamig ng panahon ay napupuno ito ng fog.

Source: Kiray’s YouTube Channel

Masayang-masaya si Kiray dahil sa wakas ay naisakatuparan na niya ang pangarap sa pamilya na magkaroon ng magandang bahay. Seryoso nga ito sa pagbabahagi ng kaniyang kwento nang biglang sumingit ang kaniyang ama sa video at sinabing malapit na daw silang mag “check-out”.

Source: Kiray’s YouTube Channel

Nagbakasyon lang pala sila sa nasabing bahay at hindi nila ito pagmamay-ari!

Muli na namang na prank ni Kiray ang kaniyang mga followers at dahil ito ay talaga namang naging viral ang kaniyang ginawang exclusive house tour.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jimuel Pacquiao, Nanalo Sa Kaniyang Ikalawang Amat€ur Boxing Fight Sa California!

Sharlene San Pedro Na-achieve Na Ang Pangarap Na College Diploma!