in

LoveLove CuteCute OMGOMG LOLLOL

Migo Adecer, Ikinasal Na Sa Girlfriend Na Si Katrina Mercado

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Matapos mapatunayang para sila sa isa’t isa, hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Kapuso actor na si Migo Adecer at agad na hiningi ang matamis na oo ng kaniyang non-showbiz girlfriend na si Katrina Mercado. Naging pribado ang relasyon ng dalawa kaya naman laking gulat ng kanilang mga fans na ikinasal na sila sa Hongkong!

Source: Katrina Mercado Instagram

Isang intim@te wedding ang nangyari noong nakaraang taon at ang Filipino-Australian na si Douglas Errol Dreyfus Adecer o mas kilala bilang Migo Adecer ay nagtungo ng ibang bansa para sa preparasyon ng kasal nila ni Katrina. Kasama nila dito ang kanilang mga magulang at iba pang malalapit na miyembro ng pamilya pati na rin mga kaibigan na naging saksi ng kanilang pagmamahalan.

Source: Katrina Mercado Instagram

“And just like that, the next chapter of my life starts. You know what they say, if you like it, then you should put a ring on it.”, caption ng aktor sa kanyang viral Instagram post.

Matapos ang ceremonya ay itinuloy nila ang celebrasyon sa isang yate at doon ay sama-sama silang kumain, nagtawanan at pinagmasdan ang napakagandang paglubog ng araw.

Source: Katrina Mercado Instagram

“Perfect day to get married.”, sambit naman ni Katrina sa kaniyang Instagram post.

Isang napakagandang araw nga ang nangyari at mukhang naki-ayon din ang panahon sa pag-iisang dibdib ng dalawa. Maaliwalas ang paligid kaya naman mas lalo nilang na-enjoy ang napakagandang view malapit sa dalampasigan habang nakasakay sa yate.

Source: Katrina Mercado Instagram

Samantala, bago ang kanilang happy ending ay hindi biro ang pinagdaanan ng dalawa. Si Migo ay abala sa kaniyang career bilang artista na ipinagsasabay niya pa sa pag-aaral. Samantala, si Katrina naman ay palipat-lipat ng lugar dahil sa kaniyang trabaho bilang isang flight attendant. Kaya naman ganoon nalang ang pagpapasalamat ng dalawa dahil nakayanan nila ang “long distance relationship” at sa kanilang pagiging malayo sa isa’t isa ay doon nga sila mas lalong naging matibay.

Source: Katrina Mercado Instagram

Sa ngayon ay nanatiling pribado ang buhay ng mag-asawa at paminsan-minsan ay ibinabahagi ng aktor ang ilan sa mga kaganapan sa kanilang “married life” na talaga namang kinasasabikan ng kanilang mga fans.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan: Enrique Gil Nagbakasyon Sa Europa Kasama Ang Buong Pamilya!

Kilalanin Ang Estudyanteng Nakatanggap Ng 17 Milyon Scholarship Offers Mula Sa 7 Universities Sa Amerika!