in

Tingnan: Enrique Gil Nagbakasyon Sa Europa Kasama Ang Buong Pamilya!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maganda para sa ating kalusugan ang pagkakaroon ng panahon at oras para mamasyal at bumisita sa magagandang lugar. Sa katunayan isa ito sa mga inirerekomenda ng mga eksperto na magandang paraan para mabawasan ang stress at maging mas productive sa ating mga trabaho. Sa nakalipas nga na ilang taon ay mas nabigyan pansin din ito ng karamihan sa ating mga kababayan lalo na at mas nakita natin ang kahalagahan ng ating kalusugan.

Source: Enrique Gil Instagram

Hindi nga magpapahuli ang mga kilala nating celebrities sa ganitong activities at sa katunayan ay talagang naglalaan sila ng oras at panahon para mamasyal kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, isa na dito ang aktor na si Enrique na kamakailan lang ay nakitang nagbabakasyon sa Europa kasama ang kaniyang pamilya.

Source: Enrique Gil Instagram

Noon pa man ay alam na ng publiko na maraming kamag-anak si Enrique sa ibang bansa at mayroon ding lahing banyaga. Kaya naman habang abala ang kaniyang real-life ka-love team na si Liza Soberano sa isang event sa Los Angeles ay minabuti ng aktor na makipag-bonding sa kaniyang mga pinsan.

Source: Enrique Gil Instagram

Sa Instagram post nga ng kaniyang kapatid na si Javy ay makikitang super happy ng aktor habang nililibot ang iba’t ibang lugar sa Europa. Sa katunayan, iba’t ibang bansa na ang kaniyang napuntahan simula nang dumating siya doon halos mag-iisang buwan na.

Source: Enrique Gil Instagram

Samantala, naging tour guide niya ang kapatid na si Javy at siniguro nga nitong sulit na sulit ang magiging bakasyon ni Enrique. Sa isang larawan ay makikitang nasa harapan sila ng isang restaurant sa Madrid, Spain at nakipagkulitan pa ito sa wacky post nilang mag-anak.

Syempre hindi rin pinalagpas ni Enrique na makita ang tourist spots sa Rome, Italy na hanggang ngayon ay wala pa ring kupas ang ganda.Naglaan din ng oras ang aktor para mabisita ang mga falls at lagoons na sikat na sikat sa bansa tulad nalang ng Blue Lagoon na talaga namang dinarayo ng mga turista.

Source: Enrique Gil Instagram

Sabi nga nila, “You Only Live Once” kaya naman habang malakas at mayroong pagkakataon ay mainam na gawin natin ang mga bagay na magbibigay sa atin ng mga bagong experiences at memories tulad nalang ng pamamasyal sa iba’t ibang lugar sa loob at labas ng ating bansa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan: KathNiel Nag-celebrate Ng 10th Year Anniversary Abroad!

Migo Adecer, Ikinasal Na Sa Girlfriend Na Si Katrina Mercado