in

Tingnan: KathNiel Nag-celebrate Ng 10th Year Anniversary Abroad!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Halos isang dekada na ang nakakalipas pero patuloy pa ring minamahal ng publiko ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Paano kasi napaka-ganda ng chemistry nila onscreen at talaga nagagawa ang bawat roles na ibinibigay sa kanila ng direktor.

Source: Kathryn Bernardo Instagram

Ngunit maliban dito ay mas kinagigiliwan sila ng mga tao dahil kahit off-cam ay patuloy nilang pinapakilig ang kanilang mga tagahanga. Sa katunayan, simula noon hanggang ngayon ay mas lalong tumitibay ang kanilang relasyon at napapanatiling balanse ang personal na buhay at pagiging abala sa trabaho bilang mga artista.

Source: Kathryn Bernardo Instagram

Isa sa mga sikreto ng dalawa kung bakit hanggang ngayon ay nanatili silang inlove sa isa’t isa ay ang pagkakaroon nila ng oras para mamasyal, mag-relax, at sumubok ng mga bagong bagay. Tinagurian nga sila ng mga netizens na hashtag “couple goals” dahil talaga namang nagiging inspirasyon sila sa kapwa nila kabataan.

Source: Kathryn Bernardo Instagram

Mahilig sina Kathryn at Daniel sa adventures at sa kanila ngang social media accounts tulad ng Instagram at Youtube ay makikitang halos nalibot na nila ang buong mundo. Sa katunayan, kamakailan lang ay isa na namang adventure ang ginawa ng dalawa para ipagdiwang ang kanilang 10th anniversary bilang magkasintahan.

Nauna na si Kathryn sa nasabing lugar ngunit naiwan muna sa Daniel para sa presscon ng kanilang sucessful teleserye na “2 Good 2 Be True” na talaga namang mainit na tinanggap ng mga tao.

Source: Kathryn Bernardo Instagram

“Si Kathryn nandun somewhere ngayon. Somewhere only we know. Secret lang pero tomorrow susunod ako. Kailangan ko lang siyempre mag-representa. Anniversary namin. Mag-te-ten year anniversary na kami sa May 25 kaya dun kami pupunta.”, kwento ng aktor.

Source: Kathryn Bernardo Instagram

Nagpapasalamat naman si Daniel dahil kahit na medyo matagal silang hindi nakagawa ng teleserye ay hindi pa rin nagbago ang pag-suporta sa kanila ng publiko.

“Sobrang positive kasi nung show. Good vibes yung show, feel good. Lalo na sa panahon ngayon sobrang sakto. I think dun nanggagaling yung saya ng tao. I feel very blessed na after all these years na hindi kami nakapag-serye and now andito ang mga tao at galak na galak sa aming proyekto.”, dagdag pa niya.

Source: Kathryn Bernardo Instagram

Nabanggit din ng aktor na maayos na komunikasyon ang isa sa mga dahilan kung bakit nagtagal ang relasyon nila ni Kathryn at kahit sila ay excited na rin sa susunod na mangyayari sa kanilang relastionship.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Angel Locsin Nagmukhang “Koreana” Sa Kaniyang New Hairstyle!

Tingnan: Enrique Gil Nagbakasyon Sa Europa Kasama Ang Buong Pamilya!