in

Angel Locsin Nagmukhang “Koreana” Sa Kaniyang New Hairstyle!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa paglipas ng ilang dekada ay nananatili pa ring kilala ng publiko ang nag-iisang si Angel Locsin. Marami na siyang nagawang pelikula at palabas sa telebisyon ngunit sa lahat ng ito ay patuloy niyang nasosorpresa ang kaniyang mga tagahanga.

Source: Angel Locsin Instagram

Sa katunayan, hanggang ngayon ay maraming bagay na ginagawa ang aktres na nagbibigay inspirasyon sa ating mga kababayan tulad nalang ng pagtulong sa mga nangangailangan at pagkakaroon ng boses para sa mga naaapi.

Samantala, kamakailan lang ay isang bagong Angel Locsin na naman ang nasaksihan ng mga netizens matapos nitong mag-post ng selfie update sa kaniyang social media.

Source: Angel Locsin Instagram

“She bangs.”, caption ng aktres sa nasabing selfie.

Nagmukha nga siyang koreana sa kaniyang bagong hairdo at mas naging bata rin itong tingnan. Mahaba pa rin ang buhok ng aktres at mayroon itong kulay. Samantala, inulan naman ng komento at reaksyon ang kaniyang viral post at ilan na dito ang kaniyang malalapit na kaibigan sa industriya ng show business.

Source: Angel Locsin Instagram

“Bageeeeetssss.”, banggit ng madiskarte mom na si Neri Naig.

“You look 17.”, komento naman ni Bubbles Paraiso.

Syempre hindi magpapahuli dyan ang asawa ni Angel na si Niel Arce at idinaan nga nito sa lenggwaheng Korean ang komento niya sa napakagandang misis.

“nae insaeng-ui salang”, sambit ni Niel na ang ibig sabihin ay “Love of My Life.”

Talaga namang walang kupas pa rin ang aktres na si Angel Locsin at kahit nga nagkaroon ng mga pagbabago sa kaniyang pisikal na katawan ay nanatili pa rin itong totoo sa kaniyang ugali at mga ipinaglalaban.

Mula pa noon ay naging puhunan na ng aktres ang pagkakaroon niya ng magandang mukha at sa katunayan ay hinirang din itong isa sa pinaka-s3xy na mga babae sa ating bansa.

Source: Angel Locsin Instagram

Samantala, isa rin siya sa mga aktres na “versatile” dahil kahit na anong ipagawa sa kaniya ay hindi siya umuurong at sa halip ay ginagawa ang lahat para maibigay ang kaniyang “best”.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Anak Ni Dawn Zulueta Na Si Jacobo Napaka-Elegante Sa Kaniyang Suot Na Junior Prom Suit!

Tingnan: KathNiel Nag-celebrate Ng 10th Year Anniversary Abroad!