in

LoveLove

Kim Chiu, Proud Sa Pagtatapos Ng Kaniyang Kapatid Na Piloto

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Alam nating lahat na nag-umpisang mangarap noon ang “Chinita Princess” na si Kim Chiu hindi lang para sa sarili kundi para sa buo niyang pamilya. Sa katunayan, habang gumaganda ang kaniyang karera bilang artista ay mas marami rin siyang natutulungan sa kaniyang mga kapatid lalong-lalo na sa mga gusto nitong matapos na kurso.

Source: Kim Chui Instagram

Naging matagumpay ang paghihir@p ni Kim dahil maganda ang naging bunga nito. Sa ngayon ay magaganda na ang trabaho ng kaniyang mga kapatid at very proud siya sa mga ito katulad nalang ng kaniyang brother na nagtatrabaho na ngayon sa Canada bilang isang piloto.

Source: John Paul Instagram

Nakilala siya bilang si John Paul at isa siya sa limang magkakapatid. Matagal din siyang namalagi abroad at dahil a busy schedule ay hindi kaagad makauwi-uwi ng Pinas para sa reunion nilang mag-anak. Kaya naman abot-langit ang saya ni Kim nang maka-uwi ito sa kaniyang kaarawan noong April 19 at nakumpleto rin sila sa wakas.

Source: Kim Chui Instagram

“Never felt this complete. The last time I remembered na kumpleto kami was when my mama di€d, ngayon lang kami nabuo kasama si papa in one photo.”, caption ng aktres sa larawan nilang magkakapatid.

Source: John Paul Instagram

Super happy nga si Kim na makitang successful rin ang kaniyang mga kapatid sa career na pinili nila at alam niyang proud na proud din sa kanila ang kanilang mga magulang.Samantala, binalikan niya rin ang buhay nila noon na walang-wala sila at halos ay nag-aagawan sa lahat ng bagay.

“When we were talking about our younger years…What a life it has been. It helped us become who we are now, from walang matirhan, walang pang tuition, walang pagkain, nag aagawan pa sa ulam, sa damit, sa school things, and a lot more!!!!”, dagdag pa ng aktres.

Source: Kim Chui Instagram

Kaya naman, ginawa nila ang lahat para matulungan ang isa’t isa na umangat. Sa katunayan, sa lahat ng bagay ay magkakasama silang magkakapatid at minsan ding lumipad papuntang Canada para i-celebrate ang graduation ni John Paul noong 2018.

Talaga namang malayo ang mararating ng pagtutulungan sa buong pamilya at kagaya nina Kim na noon ay payak lang ang buhay, ngayon ay very successful na at nakakatulong pa sa kapwa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Estudyanteng Tak0t Sa Math Pero Top 6 Sa Exam For Civil Engineers!

Anak Ni Dawn Zulueta Na Si Jacobo Napaka-Elegante Sa Kaniyang Suot Na Junior Prom Suit!