in

WTFWTF

Anak Ni Dawn Zulueta Na Si Jacobo Napaka-Elegante Sa Kaniyang Suot Na Junior Prom Suit!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dumating na naman ang panahon na pinaka-hinihintay ng karamihan sa mga estudyante. Ito ang panahon kung saan magkakaroon sila ng pagkakataon para ma-enjoy ang ilang buwang nal@labi sa paaralan bago ang kanilang graduation.

Source: Dawn Zulueta Instagram

Ito rin ang panahon na makakapagsuot sila ng mga magagarang damit sa paaralan at magkakaroon ng oras para makihalubilo sa kapwa estudyante na para bang isang “party” – ang Prom Day!

Source: Dawn Zulueta Instagram

Bago pa man sumapit ang araw ng Prom ay abala na sa paghahanda ang mga magulang upang maging presentable ang kanilang mga anak at maging memorable ang araw na ito para sa kanila. Sa katunayan, kahit mga celebrity-mom tulad ng batikang aktres na si Dawn Zulueta ay excited rin para sa kaniyang panganay na anak na si Jacobo.

Source: Dawn Zulueta Instagram

Nasa Junior High ito ngayon at kabilang nga sa mga dadalo ng prom sa kanilang paaralan. Bilang paghahanda ay mismong si Dawn ang naghanap ng masusuot ng anak.

Ito ay ang white polo, blue necktie at black suit na talaga namang bagay na bagay sa kaniyang binatilyo. Ang ganda rin ng gupit ni Jacobo at mas lalo nitong naipakit ang maganda niyang mukha kahit na nakasuot pa ito ng mask.

Source: Dawn Zulueta Instagram

Samantala, gustong-gusto ni Dawn na ipakita sa mga tao kung gaano siya ka-proud sa kaniyang anak at hindi nga nito halos akalain na sa bilis ng panahon ay isa na itong binata.

“So, I’m posting this to remind our son… that whether you have become a teenager or grow to be an old man, you will for ever be our little bundle of joy”, caption ito sa Instagram post kung saan makikita ang mas batang version ni Jacobo.

Inulan naman ng papuri ang larawan ni Jacobo habang suot ang prom suit at hindi lang mga netizens ang nakapansin sa kaniyang elegant look. Kahit nga mga kaibigan ng kaniyang mommy Dawn ay todo-suporta din sa kaniya.

Source: Dawn Zulueta Instagram Screenshot

“OMG! Such a gentlleman already”, pahayag ng news anchor na si Karen Davila.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kim Chiu, Proud Sa Pagtatapos Ng Kaniyang Kapatid Na Piloto

Angel Locsin Nagmukhang “Koreana” Sa Kaniyang New Hairstyle!