in

Tingnan: Anak ni Gladys Reyes Na Si Christophe Sommereux, Handa Ng Sumabak Sa Showbiz!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Walang duda ang angking galing ng batikang aktres na si Gladys Reyes at pagdating sa mga kontrabida roles ay talaga namang isa ang kaniyang pangalan sa madalas matandaan ng mga viewers.

Source: Christophe Sommereux

Sa loob nga ng ilang dekada ay namayagpag ang kaniyang karera bilang artista at nakapangasawa rin ng isang aktor. Ito ay walang iba kundi si Christopher Roxas na kilala rin sa talento sa pag-arte.

Source: Christophe Sommereux

Dahil dito ay hindi maiwasan ng mga fans na umasang ang mga anak ng mag-asawa ay sumunod din sa kanilang yapak sa mundo ng entertainment industry. Sa ngayon nga ay marami na ang humahanga sa angking talento ng kanilang anak na si Christophe Sommereux. Noon pa man ay mahilig na itong kumanta at habang lumalaki ay mas nagiging maganda pa ang boses nito.

Source: Christophe Sommereux

Isang proud mommy nga si Gladys lalo na noong mag-perform ang anak sa Summer Blast event ng Iglesia Ni Cristo na ginanap noong Abril 30, 2022, sa Phillipine Sports Arena. Libu-libo ang mga tao doon pero hindi kinabahan si Christophe at magiliw niya ngang napakanta ang crowd. Kasama niyang nag-perform dito ang mga kilalang artists kagaya nina GLoc-9, Itchyworms at iba pang mga banda.

Source: Christophe Sommereux

“Nag-perform siya sa 50k crowd sa Phil Sports Arena last time. Napakanta niya buong stadium at parang wala siyang kakaba-kaba, pero actually first time niya yun.”, pahayag ng aktres.

Source: Christophe Sommereux

Payag nga ang mag-asawa na pumasok sa showbiz ang kanilang anak na si Christophe at all-out ang suporta na ibinibigay nila dito. Super excited din si Gladys na makita ang iba pang pwedeng magawa ng anak.

Maliban sa pagkanta ay sumasabak na rin ang binata sa ilang commercials at kamakailan lang ay kasama siya sa launching ng bagong produktong Protect Plus Isopropyl at Ethyl alc0hol na ginanap nitong Mayo 20, 2022, Biyernes, sa Marco Polo Hotel sa Ortigas.

Source: Christophe Sommereux

Isa ito sa mga commercials kung saan kasama niya ang kaniyang Mommy at Daddy pati na rin ang mga kapatid na sina Aquisha, Grant, at Gavin.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Netizens, Napa-wow Sa Foreigner Boyfriend Ng Isang Chubby Pinay

Kilalanin Ang Estudyanteng Tak0t Sa Math Pero Top 6 Sa Exam For Civil Engineers!