in

Netizens, Napa-wow Sa Foreigner Boyfriend Ng Isang Chubby Pinay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

“Love knows no bound” sabi nga nila at pagdating sa pag-ibig walang anuman o sinuman ang pwedeng humadlang. Sa katunayan, marami na nga sa ating kababayan ang natuto na mahalin ang kanilang sarili at nahahanap ang tunay na pag-ibig mula sa tamang tao na magmamahal sa kanila ng totoo.

Source: Google / Tiktok

Isang Pinay nga ang naging viral sa social media matapos niyang i-flex ang sweet photos nila ng foreigner boyfriend habang nagbabakasyon sa isang beach sa Siargao.

Hindi na nabanggit ang pangalan ng nasabing Pinay pero makikita sa mga larawan na plu$ size ang kaniyang pangangatawan, katamtaman lang ang tangkad at kayumanggi ang kutis kagaya ng karamihan sa ating mga kababayan. Samantala, ang kaniyang boyfriend naman ay maputi, matangkad at mayroong matipunong pangangatawan.

Source: Google / Tiktok

Sa ganitong sitwasyon ay hindi maiiwasan ang mga b@shers online ngunit mas maraming netizens ang na-inspire at natuwa sa kapalaran ng Pinay. Sa katunayan, mas lalo nilang hinangaan ang babae dahil hindi ito maarte o di kaya naman ay minamaliit ang sarili at nagpapadala sa mga neg@tibong sinasabi sa kaniya. Sa halip, nagpakatotoo ang Pinay at isa nga marahil ito sa mga katangian na nagustuhan ng kaniyang banyagang kasintahan.

Source: Google / Tiktok

Sweet na sweet ang couple sa kaniyang viral photos at ramdam na ramdam din ng mga netizens na mahal siya ng lalaki at iba nga kung ito ay makatingin sa Pinay. Samantala, hindi maiwasan ng ilan na magbirong bumisita sa napakagandang isla ng Siargao dahil baka doon na nila mahahanap ang matagal na nilang inaantay na “The One”.

Source: Google / Tiktok

Hindi lang ito ang kwento ng pag-iibigan sa Siargao at sa sikat na isla rin karamihang napapabalita ang pagkakaroon ng true love na hindi nakabase sa panlabas na katangian at anyo ng isang tao. Sa halip nga ay nakabase ito sa totoong nararamdaman ng kanilang puso.

Source: Google / Tiktok

Talaga namang masarap sa pakiramdam ang malaman mong mayroong isang tao na nagmamahal sayo ng lubos at hindi alintana ang mga sinasabi ng ibang tao. Kaya naman marami ang nagpaabot ng pagbati at magagandang mensahe sa nasabing Pinay at boyfriend niyang foreigner.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Natalie Hart, Sumailalim Sa Isang Military Training Bilang Army Reservist!

Tingnan: Anak ni Gladys Reyes Na Si Christophe Sommereux, Handa Ng Sumabak Sa Showbiz!