in

Tingnan: Bea Alonzo, Naghanda Ng Isang Nakaka-Good Vibes Na Outdoor Cinema Para Sa Buong Pamilya!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Noon pa man ay batid na nating lahat kung gaano kalapit ang aktres na si Bea Alonzo sa kaniyang pamilya. Sa katunayan, bumili siya ng isang malaking property kung saan doon na nakatira ang kaniyang Mama at mga kapatid kasama ang kani-kanilang pamilya. Tinawag niya itong “Beati Firma Farm” at talaga namang napaka-ganda at very relaxing ng lugar.

Source: Bea Alonzo YouTube

Dito madalas umuwi ang aktres lalo na kung gusto niyang ma-enjoy ang buhay probinsiya at makasama ang buong pamilya. Paminsan-minsan ay dito din siya gumagawa ng mga vlogs para sa kaniyang sariling Youtube channel na ngayon ay tinatangkilik ng napakaraming viewers.

Source: Bea Alonzo YouTube

Samantala, kamakailan lang ay isang sorpresa ang inihanda ni Bea para sa kaniyang mahal sa buhay. Sa kanilang malawak na hardin ay nag-setup siya ng isang Outdoor Cinema at gumamit ng projector para ma-kumpleto ang mala-sinehan na vibes. Naglatag din siya ng sapin sa sahig at kumpleto ang ginawang paghahanda dahil mayroon pa ditong mga unan at upuan para maging komportable sila sa panonood.

Source: Bea Alonzo YouTube

Syempre hindi mawawala ang snacks sa kanilang bonding moment at maliban sa pop-corns ay mayroon pang mga chichiria, sweets at refreshments. Mismong si Bea ang nag-asikaso ng lahat dahil isa ito sa mga gustong-gusto niyang gawin. Sa tulong naman ng staff ng farm ay nilagyan nila ng ilaw ang buong paligid na nakadagdag pa sa ganda ng lugar.

Source: Bea Alonzo YouTube

Ayon sa aktres, matagal-tagal na rin kasi ang huli nilang labas na buong mag-anak simula ng magkaroon ng pand3miya. Hindi na rin sila nakakapanood ng sine kaya naman nagkaroon siya ng ideya na manood ng sama-sama sa labas na nakaka-relax pa dahil sa preskong hangin sa lugar.

Source: Bea Alonzo YouTube

Talaga namang napaka-lambing nitong si Bea Alonzo at handa siyang gawin ang lahat ng makakaya para lang maipakita at maipadama niya sa kaniyang pamilya kung gaano niya ito kamahal.

Tunay ngang nanatiling inspirasyon ang aktres at marami ang nagsasabi na gusto nilang tuluran ang kaniyang mga ginagawa hindi lang pagdating sa career kundi lalo na pagdating sa pag-aalaga niya sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating Janitor Noon, May Sarili Ng Pinoy Restaurant Sa Australia Ngayon

Jillian Ward, Inaasahan Ng Kanyang Fans Na Siya Ang Susunod Na Marimar