in

CuteCute

Natalie Hart, Sumailalim Sa Isang Military Training Bilang Army Reservist!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maliban sa pag-aartista ay marami pang gustong gawin ang s3xy actress at modelo na si Natalie Hart. Isa nga sa kaniyang mga pangarap ay ang makatulong sa ating bansa at sa mga taong nangangailangan. Kaya naman, nagdesisyon ito na sumailalim sa isang militiray training para maging army reservist ng Pilipinas.

Source: Nathalie Heart Instagram

Matagal na itong gustong gawin ng aktres at ngayon nga na nakahanap siya ng tamang panahon ay hindi na niya pinalagpas pa ang pagkakataon. Ginawa ni Natalie ang lahat ng protocols para mapasali sa training at kasama ng ating mga kababayan ay nagsanay siya ng walang special treatment.

Source: Nathalie Heart Instagram

Aminado ang aktres na hindi naging madali ang kaniyang mga pinagdaanan at kahit nga madalas na magwork-out ay naramdaman niya pa rin ang pananakit ng katawan sa mga unang araw ng training. Ngunit hindi ito naging dahilan para siya ay sumuko at sa halip ay mas lalo pang na-inspire na tapusin ang buong training lalo na at nakikita niya rin na pursigido ang kaniyang mga kasama.

Source: Laang Kawal

Nagbunga nga ang lahat ng kaniyang mga paghihirap sa kampo at ginawaran siya ng certificate of completion ng mga personnel ng Philippine Army’s Reservist and Retiree Affairs Administrators.

Source: Laang Kawal

Samantala, lubos naman siyang hinangaan ng kaniyang mga kasama dahil hindi ito nag-inarte sa training at masayang nakipagsabayan sa kaniyang mga kaklase. Makikita nga sa official Facebook page ng nasabing opisina na enjoy na enjoy si Natalie sa kaniyang mga naranasan sa loob ng kampo.

Source: Laang Kawal

Lubo naman ang suporta sa kaniya ng kaniyang mga fans na mas lalo pang na-inspire sa kanilang idolo. Maging ang mga kasama niya sa industriya ng show business ay masayang-masaya para kay Natalie dahil sa wakas ay natupad na niya ang pangarap.

Source: Laang Kawal

Talaga namang mahalaga na mayroon tayong pakialam sa mga nangyayari sa ating bansa at bilang isang mamayan mahalaga na mayroon tayong ginagawa para makatulong sa ikauunlad nito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jillian Ward, Inaasahan Ng Kanyang Fans Na Siya Ang Susunod Na Marimar

Netizens, Napa-wow Sa Foreigner Boyfriend Ng Isang Chubby Pinay